Summer POV
"Sagutin mo na lang yung tanong ko!" Diin na sabi niya, kaya bumugtong hininga na lang ako.
"Oo dahil sa kaniya." Pagsisinungaling ko. Kung alam mo lang liam anak natin ang kausap ko.
"Hindi ako pipirmahan yung annulment paper kung sakaling ibibigay mo. Hindi ko hahayaan na maghiwalay tayo ng dahil lang diyan. Mahal pa rin kita summer." Pagkatapos umalis lang siya bigla.
Pumasok na ako sa room matapos yung sinabi niya.
Ginigawa ko lang naman ito para kay lexi, ayoko lang na dumating yung araw na iiwan niya na naman kami ng anak niya.
Baka masaktan lang si lexi pag nagkataon na gawin niya ulit iyon, kahit mahal na mahal ko pa rin si liam.
Lumipas ang ilan araw na iniiwasan ko si liam. At ilang araw narin matamlay si Lexi.
Tinatanong ko naman siya kung okay lang siya pero sinasabi niya okay naman daw siya kahit hindi naman. Kanino kaya nagmana si lexi sa katigasan ng ulo. Malamang sa malamang sa daddy niya.
"Ma, ikaw na munang bahala kay Lexi aa. Tawagan mo ako pag may problema. Alis na po ako ma."
"Ingat ka anak." Sabi nito.
Umalis na ako sa bahay saka pumunta ng university. Pumasok na ako sa room saka umupo sa pwesto ko.
Dumating na rin si liam saka tumungin sa gawi ko, kaya umiwas ako sa tingin niya.
Nakakamiss siya kahit na iniiwasan ko siya. Alam ko na makulit yan kahit noon pa man, pero kailangan ko siyang iwasan dahil baka magbago ang desisyon ko na makipaghiwalay sa kaniya ng tuluyan.
Nasa kalahating pagtuturo si liam ng biglang tumunog yung phone ko.
"Sir. Excuse lang po." Sabi ko. Tumango lang naman ito bilang sagot.
Sinagot ko kaagad dahil si mama ang tumatawag.
"Ma? Bakit?" Nagtataka na tanong ko
"Anak, nandito kami ngayon sa **** hospital pumunta ka na kaagad dito."
Binaba ko na kaagad saka pumunta sa room para kunin yung bag ko kahit nagtuturo si liam.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako noong pumunta ako sa classroom namin.
"May problema ba Ms. Ferrer?" Tanong nito.
"Wala *sob* po sir. Mauna na po ako *sob* may emergency *sob* lang po." Humihikbi na sabi ko Kay liam saka kinuha ang bag ko saka tumakbo papunta sa labas ng university saka sumakay sa taxi saka sinabi kung saan yung hospital na pupuntahan.