CHAPTER 12

352 Words
Summer POV "Pero bakit hindi mo sinabi na may anak pala tayo?" Biglang tanong niya matapos niya akong niyakap. "Sorry, natakot lang ako na baka iwan mo ulit kami ng anak mo. Natakot ako na baka maging malungkutin si lexi, lalo na pag tinatanong niya kung nasaan na ba daw yung daddy niya. Palagi kung sinasabi sa kaniya na nasa malayo ang daddy niya para magtrabaho para sa future niya, minsan naiingit siya sa iba dahil wala ka pero kahit na ganon iniintindi niya kasi umaasa siya na babalik ka na." Paliwanag ko "Sorry din summer kung iniwan ko kayo, yung dahilan ko kasi ay nablockmail ako ng ex ko pero okay na. Sana maging okay na tayo, sana huwag ka nang makipaghiwalay sa akin. Alam ko madami akong pagkukulang sainyong dalawa pero handa akong bumawi sa lahat, sana ay huwag ka ng sumama doon sa lalakeng kausap mo." Natawa naman ako akala niya siguro may iba ako. "Ginawa ko lang iyon dahil nga sa natakot ako, handa ako na bumalik ka ulit sa buhay namin ng anak mo at wala akong iba okay? Matapos mo akong iniwan, hindi ako tumingin sa iba dahil alam ko sa sarili ko na mahal pa rin kita. Hindi iyon nag-iba." Nakangiti na sabi ko. "Ah? Ee sino yung kausap mo noon?" Nagtataka na tanong niya. "Si lexi iyon, nagsinungaling ako noon hindi ko alam na paniniwalaan mo pala yung sinabi ko." Natatawang saad ko. "Tinakot mo ako doon. Alam mo ba iyon?" "Sorry naman liam." "Pero matanong nga kita, bakit hindi mo ginagamit yung sa akin?" "Sa school lang pero alam naman ng iba na Smith yung ginagamit ko, kahit nga sa pangalan ni Lexi ginamit ko ee." "Ano ba talagang pangalan ng anak natin sum?" Nagtataka na tanong niya. "Lexianna F. Smith." Sabi ko, napangiti naman siya. "Thank you sum. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, lalo na noong malaman ko sayo na may anak pala tayo." Masayang sabi niya saka ako hinalikan sa noo. Napangiti naman ako, dahil bumalik na kami kung ano man ang meron kaming dalawa ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD