Summer POV
Ganon ang pwesto naming dalawa ng bigla akong tinawag ni Lexi, gising na pala siya.
"M-mommy." Tawag nito.
"Baby okay ka na ba?" Pag-aalala na sabi ko.
"Opo mommy." Bigla naman siyang napatingin sa tabi ko.
"Sino po siya mommy?" Nagtataka na tanong niya. Lumapit naman ako kay lexi saka hinawakan ang kamay niya.
"Baby, di ba sinasabi ko sayo na si daddy nasa malayo siya dahil nagtatrabaho siya?" Tumango na lang siya bilang sagot.
"Nasa harapan mo na siya baby. Nandito na si daddy." Naluluhang sabi ko
"Talaga po mommy?" Masayang sabi niya.
"Oo anak." Sabi ko, lumapit naman si liam sa tabi ni Lexi.
"Sorry baby kung ngayon lang si daddy aa? Promise babawi ako sa lahat ng wala ako."
"Okay lang po daddy. Ipaintindi naman po ni mommy noong wala kayo ee."
Tumingin sa akin si liam na nakangiti saka sinabi na 'Thankyou' pero wala naman sound, tumango na lang ako bilang sagot saka ngumit sa kaniya.
Ngayon kumpleto na kaming tatlo, gagawa kami ng panibagong masayang alaala na magkakasama. Nagsasama na kaming tatlo sa dating bahay namin ni liam, dahil gusto niya doon kami tumira ni lexi. Gaya ng sabi niya, bumabawi nga siya ngayon sa aming dalawa ng anak niya at lalong minamahal pa namin ang isa't isa.
Siguro noong iniwan niya ako. Iyon ang pagsubok sa buhay naming dalawa, pero ngayon matatag na at mamahalin pa namin ang isa't isa.
THE END