CHAPTER 1
Summer POV
Ilan taon na ang nakalipas siguro apat na taon na yata ang nakalipas ng iniwan niya ako ng mag-isa.
Arranged marriage lang yung nangyari samin na hindi nagtagal minahal namin ang isa't isa.
Hanggang sa may nangyari saming dalawa at may nabuo sa loob ng tyan ko, at naging bunga noon sa tyan ko ay si Lexi. 4 years old na siya saka na magumpisa na hinahanap yung daddy niya..
Wala akong balak na sabihin sa kaniya na may anak kami, wala siyang babalikan. Siya na mismo yung umalis e,. selfish na kung selfish.
Ayoko lang na dumating yung araw na babalik lang siya dahil sa anak ko, at kukunin niya sa akin si Lexi.
Oo sabihin na natin mahirap ang maiwanan, pero kakayanin ko lahat para sa anak ko ng wala siya dito.
4th year college na ako ngayon, dapat tapos na ako kaso nagstop ako sa pag-aaral para maalagaan si Lexi ng maayos.
Minsan iniiwan ko siya kina mama para naman pag pumapasok ako may magbabantay sa kaniya.
"Mommy?"
"Hmm? Bakit baby?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala naman po."
"Tara baba tayo baby may ice cream sa ref." Anyaya ko sakanya.
"Yehey. Tara po." Masayang sabi niya.
Nakakatuwa siyang pinapanood pag masaya siya, parang masaya ka na rin.
Inupo ko siya sa may kitchen counter saka kinuha yung chocolate ice cream.
"Yehey, sharap." sabi niya habang may ice cream sa loob ng bibig. Natawa naman ako.
"Dahan-dahan" sabi ko. Tumango lang sya bilang sagot
Masaya ko lang pinapanood si Lexi habang kumakain ng ice cream