CHAPTER 7

345 Words
Summer POV *KINABUKASAN* Iniwan ko si Lexi kay mama dahil nandito na rin siya. Umaga siyang nakapunta ee. Dumeretso na ako sa room matapos kung bumaba sa labas ng university. Paupo pa lang ako ng biglang dumating si Liam. Bigla naman niya akong tinignan saka tinawag. "Ms. Ferrer. Sumama ka muna sakin may pag-uusapan tayo." Sabi niya. Tatanggi pa lang sana ako pero lumabas na kaagad, kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Nakarating kami sa rooftop na kaming dalawa lang, humarap kaagad ako sa kaniya. "Anong pag-uusapan nating dalawa?" Tanong ko. "Tungkol sa ating dalawa." Sagot ko. Natawa naman ako sa sinagot niya "Para saan naman?" "Matagal na tayong wala. Iniwan mo ako ng basta-basta tapos pag-uusapan pa natin iyon? Pinapatawa mo ba ako?" "Hindi naman, gusto ko lang sana maging okay na tayo sum." Malungkot na sabi niya. "Hindi ko alam kung makakapag-ayos pa tayo kasi sobrang sakit ng iniwan mo tapos bigla ka na lang babalik dito at magpapakita sa akin na parang walang nangyari?" Sabi ko sa kaniya. "Kaya kita iniwan kasi may dahilan ako sum, sana maintindihan mo." malungkot na sabi nito "Edi sana sinabi mo na lang! Para naman harapin natin iyon kung ano man! Pero hindi ee!" Galit na sabi ko. "Sorry sum hayaan mo naman na bumawi ako sa pagkukulang ko bilang asawa mo." Umiling ako sa kaniya. "Ayoko na liam, nakakapagod na kasing maghintay sa taong nangiwan ng apat na taon. Siguro kailangan na natin maghiwalay. Ipapadala ko na lang yung annulment paper." "Huwag naman ganito sum. Hindi ko kaya." nagmamakaawa na sabi nito Nangingilid na ang mga luha ko. Baka maiyak ako ng tuluyan pag pinatagal ko pa ito. "Ipapadala ko na lang sayo yung annulment paper. Siguro naman nakatira ka na ngayon sa dating bahay natin." Sabi ko saka naglakad papalabas ng rooftop Simula ng iwan niya ako iyon na rin ang pag-alis ko sa bahay namin noon, dahil kung patuloy kami doon ng anak ko sigurado na maaalala ko lang siya. Tutal hindi naman niya alam na may anak kami ee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD