Summer POV
*KINABUKASAN*
Monday na ngayon, hindi ko man lang nasulit na kasama ang baby ko.
May pasok na ngayon. Napabugtong hininga na lang ako. Hell day na naman. Stress pa sigurado iyon.
"Mommy tara na po?" Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay.
"Tara na baby." sabi ko.
Lumabas na kami ng bahay saka sumakay sa taxi dahil ihahatid ko pa si lexi sa bahay nila mommy.
*After 20 minutes*
Nakarating na kami sa tapat ng bahay kaya bumaba na kami ni Lexi saka pumasok sa loob.
"Ma?" Tawag ko.
"Summer ikaw pala." Nakangiting sabi ni mommy.
"Ma, iiwan ko muna sayo si lexi aa, kailangan ko ng pumasok sa school."
"Oo sige anak. Mag-iingat ka aa." Yumuko ako saka tinignan si lexi na nakatingala sa akin.
"Baby dito ka muna aa, kasama si lola okay. Be a good girl." Paalala ko sa kaniya.
"Opo mommy. Take care." Hinalikan ko siya sa noo saka tumingin kay mama.
"Ma, tawagan mo ako pag may kailangan si lexi aa."
"Oo sige anak." Sabi nito.
Lumabas na ako saka sumakay ulit sa taxi papunta sa university kung saan ako pumapasok.