Summer POV
Pagkababa ko sa taxi tumakbo kaagad ako saka pumasok sa university at dumeretso sa room.
Pagkapasok ko umupo kaagad ako sa pinakalikod. Ayoko sa harapan parang hindi ako sanay na ganon.
Bigla naman lumapit sa akin si Lea ang tinuturi ko na bestfriend s***h kapatid. Nandyan siya sa tabi ko noong nagluluksa ako sa kaniya, kasama ko noon sa pagbubuntis kay Lexi.
Alam niya rin na may asawa ako dahil nakwento ko noon sa kaniya. Reaction? OA kung makapagreact siya.
"Sum. May bago daw tayong proctor ee." Balita nito.
"Lea. Alam mo naman na hindi ako interesado sa mga ganyan. Alam mo yan." Natatawa na sabi ko sa kaniya.
"Pag nalaman mo kung sino tiyak na sobrang bibiglain ka."
"Ayokong malaman Lea. Hindi ako interesado." Sabi ko.
"Ewan ko sayo sum." Pagtatampo niya. Kaya natawa lang ako.
"Bumalik ka na sa pwesto mo lea." Pagtataboy ko sa kaniya
"Haist!" Pagdadabog niya saka bumalik sa pwesto niya. Tumingin ito sa akin at sinamaan niya ako ng tingin, napailing na lang ako.
Grabe college na kami pero makaasta siya parang bata.
Kinuha ko yung notebook ko saka nagbabasa ng lectures ng biglang may pumasok pero hindi ko na kailangan tignan, hindi talaga ako interesado. Promise.
"Good morning class." Sabi nito pero di parin ako tumitingin sa harapan.
"Good morning sir." Bati ng mga kasama ko.