“AEONE” “OH my, God! Seriously? Kayo na ni Keira?!” Agad kong tinakpan ang bibig ni Chloe at pinanlakihan siya ng mata. “Ano ba, Chloe? `Wag ka namang sumigaw, baka may makarinig sa’yo,” paalala ko sa kanya. Grabe naman kasi siya kung maka-react. Yes, sinabi ko na sa kanya ang about sa amin ni Keira at ang napag-usapan namin. Tinanggal naman ni Chloe ang kamay ko. “Ang OA mo naman. Tayo lang naman ang nandito sa room natin. Grabe naman kasi ang sinabi mo, Aeone. Ano nang nangyari sa usapan natin na iiwasan mo siya, ha? Wala na?” “Hindi ko na kasi napigilan pa nang umamin siyang mahal niya rin ako.” “Ewan ko lang, ha. Kinakabahan ako sa naging desisyon niyo, Aeone. Baka may makaalam niyan dito sa Pristine…” “Wala naman siguro. Ikaw lang naman ang pinagsabihan ko. Hindi mo naman ito i

