“KEIFER” BANGUNGOT. Iyon ang tamang salita na magdi-describe sa mga pinagdaanan ko sa kamay ni Olive. Wi-nax niya ang balahibo ko sa binti at braso ko. Torture iyon. Pero wala nang mas to-torture nang pati ang buhok ko sa kili-kili ay pinakialaman rin niya. Binihisan niya ako ng pambabae at nilagyan ng make up. At para magmukha na talaga akong babae ay isinuot na niya sa ulo ko ang wig na binili niya. Hanggang balikat ko lang nag wig at kulay brown iyon. “Presenting… my creation. Keira Trunk!” madamdamin pa niyang sabi nang matapos na siya sa ginagawa niya sa akin para maging “babae” na ako. Iniharap na niya ako sa malaking salamin sa hotel room namin at napanganga ako nang makita ko ang reflection ko doon. Ako ba talaga ito? Bakit… ang ganda ko?! “`Insan… ako ba talaga ito?” Hindi ko

