“Anak,” tawag sa akin ni Nanay Marissa. “Halika nga muna sandali dahil may sasabihin ako.” “Ano po iyon, 'Nay?” tanong ko nang lapitan ko si Nanay Marissa. Nandito kami ngayon sa bahay namin dito sa bukid dahil linggo ngayon kaya araw ng pahinga namin sa pagtitinda. “Bakasyon na ni Harley, ‘di ba?” “Opo, ‘Nay. Bakit po? Ano po'ng meron?” Wala ng pasok si Harley dahil christmas break na nila at next year pa ang balik nila sa school. Kinukulit na nga niya ako na puntahan na namin si Uncle Hadley dahil gusto na raw niyang makita ang ama niya. “Pinapapunta kasi ako ng kapatid kong si Domeng sa Maynila. Ang sabi niya, doon na lang daw tayo magpasko at saka magbagong taon. Ano sa tingin mo? Ayos lang ba sa inyo ni Harley na doon tayo sa Maynila magpasko at magbagong taon?” “Ayos lang nam

