“Drink this.“ Binigyan ako ng tubig ni Uncle Hadley pag-uwi namin sa bahay niya. Alas-onse na pero kauuwi lang namin. Ang sakit ng paa ko at inaantok na rin ako. Hindi kami natuloy kahapon sa pag-alis kaya hindi na ako pumayag na hindi kami matuloy ngayon. Hapon kami umalis kaya gabi na kami nakauwi. Nang mainom ko ang tubig ay ibinalik ko agad sa kaniya ang baso. “Thank you.” Pagkainom ko ng tubig ay dumiretso na agad ako sa kuwarto namin para magbanyo dahil ang lagkit ng pakiramdam ko. Sa bathtub ako pumunta para nakababad ang katawan ko. Nang maibabad ko sa tubig ang katawan ko ay napapikit ako dahil bigla akong inaantok. “Hey, what the hell? Why are you sleeping here?” “Huh?” “Baby, two hours ka ng nandito sa loob ng banyo kaya pumasok na ako.” Binuhat niya ako paalis sa

