Alas-tres na ng madaling araw pero gising pa rin ako. Nakatingin ako sa dalawang buntis na nakahiga rito sa sofa bed. Halos dalawang linggo na ang nakalilipas pero hindi pa rin umuuwi o nagpaparamdam man lang ang tatlo. Naaawa na ako kay Mariz dahil palagi na lang siyang umiiyak. Lagi siyang nagdadasal habang umiiyak kaya hindi ko na alam kung ano'ng pang-aaliw ang gagawin ko sa kaniya para lang huminto siya sa kaiiyak dahil sa pagka-miss niya kay Lexus. Si Lexxie naman ay mainit na ang ulo kay Zeus dahil sa hindi pagpaparamdam ng lalaki. Kapag nagpakita raw si Zeus ay baka hindi niya mapigilan ang sarili niya na hindi masampal ang lalaki. Para sa akin, ayos lang kahit matagal umuwi si Uncle basta ligtas siya. Sigurado naman kasi ako na may dahilan siya kaya hindi pa sila nakakauw

