Chapter 4

1692 Words
Tyron's POV As I watched my men carried all the cargos from the big ship na siyang nagdala ng mga kargamentong galing pa sa Argentina ay napapangisi ako habang nakamasid sa pagbubuhat ng mga tao ko sa malalaking kahon na naglalaman ng mga armas. Iyon na ang pinakamalaking transaction na ginawa ko sa ngayon at ang kinuhanan ko sa mga ito ay isa ring tanyag na Mafia leader sa bansang Argentina na nakilala ko sa pamamagitan ng mga kaibigan kong nasa kaparehong linya ng negosyo. I'm good in handling transactions at kaya ako nagpaka-dalubhasa sa ibang bansa ay para magamit ko ang mga natutunan mismo sa aking mga negosyo. Napapataas ako ng labi habang naiisip ang malaking halagang kikitain ko sa pagbebenta ng mga illegal na armas na iyon. I sold those weapons to the anti-government group o iyong tinatawag na rebelde sa pamahalaan at hindi ito ang unang beses na naging customer ko ang mga ito dahil alam ng mga mismong lider na de-kalidad ang mga armas na ibinebenta ko. "Make sure that you put all the cargos in the warehouse Fausto!" I order them with a voice full of authority. "Yes boss, na-check ko na lahat at kumpleto ang nasa listahan." Ang masunuring sagot ng aking kanang-kamay na si Fausto. Pagkatapos kong makitang nailipat na ng mga tauhan ko lahat ng kargamento sa truck na magdadala niyon sa warehouse ay tumalikod na ako para magtungo sa aking sasakyan na naka-park sa di-kalayuan. Nakasunod ang ilang armado kong mga alipores sa bawat galaw ko. I am wearing a Black trouser at puting polo na pinatungan ko ng isang itim ding leather jacket. Iyon ang usual porma ng mga katulad kong notorious na Mafia leader kaya naman pinaninindigan ko na iyon. Agad na akong sumakay sa likurang bahagi ng itim na Rolls-Royce at tinanggal ang suot kong itim na sunglases. Madaling araw usually dumadaong sa may pantalan ng Batangas port ang mga Barkong may dala ng mga kargamento at ako mismo ang personal na nagtutungo roon para makitang hindi ako tatalunin ng mga naka-transaction kong tao. "Let's go Meynard, we have to arrive exactly 6 AM at the gymn." I told my driver na siyang magdadala sa akin into the Gymn na kung saan ako nag-wowork out araw-araw. I have to maintain my physical fitness and I have to do a set of exercise para laging maging fit at healthy. Habang umaandar ang sasakyan pabalik sa lungsod ay kinuha ko ang aking cellphone and put the headset on my ears at pinakinggan ang kantang paborito ni mama. The song Perhaps love. I closed my eyes habang nakahilig sa headboard ng upuan at dinama ang malamyos na awiting iyon at doon ay naalala ko ang lahat ng pinagdaanan ko noong bata pa ako na tanging si mama lang ang kasama ko sa buhay. Throwback.... Sampung taong gulang ako nang mamulat sa mga panunukso ng mga ka-klase ko sa elementarya. "Whoo! wala kang tatay! Saan ka galing sa tae ng kalabaw ahahaha!" Ang nakatawang panunukso sa akin ng mga batang kaedaran ko. Tumiim ang kamao ko at nakaambang sugurin si Harvey ang classmate kong bully subalit inawat kami agad ni mam. "Psst! ano iyan ha, nag-aaway na naman kayong dalawa? Ikaw Tyron lagi ka na lang nasasali sa gulo!" Sita ni teacher Leah sabay pingot sa tainga ko. Napangiwi ako sa sobrang sakit pero wala iyon kumpara sa madalas kong abuting bugbog mula sa kinakasama ngayon ni mama. Si tiyo Fidel. Nakilala niya ito sa pinapasukang pabrika ng mga damit sa bayan namin at isang araw nga ay nadatnan ko na lamang na naroon na siya sa maliit naming bahay at sinabi ni mama na siya na raw ang magiging papa ko. Noong una ay mabait naman ito subalit sa paglaon ay lumabas na ang tunay nitong kulay. Madalas kapag wala si mama ay pinagbubuhatan niya ako ng kamay at inuutusan sa kung ano-anong gawain. Minsan kapag nalalasing ito ay nakikita ko pang pati si mama ay sinasaktan niya at iyon ang hindi ko matanggap kaya labis ang poot na nararamdaman ko para sa hinayupak na lalaking iyon. Ayon sa k'wento ni mama kung bakit naiiba ang itsura ko sa mga kalaro kong bata ay dahil anak di-umano ako ng isang banyaga at iniwan si mama noong malamang buntis siya. Iyon lang ang tanging sinabi niya at ni hindi na ipinakilala man lang ang katauhan ng aking tunay na amang banyaga. I never met my biological father and my mom didn't even bother to tell me how he looked like. Kahit nga kung ano ang bansang pinagmulan niya ay hindi ko rin alam. Until the time I was able to afford and I hire an investigator na siyang maghahanap sa tunay kong pinagmulan. And I discovered that my mama is lying all through out these years dahil nalaman kong ipinanganak pala ako sa bansang Spain at tatlong taong gulang na noong iuwi niya ako rito sa Pilipinas. I am a Spanish citizen at ang last name na ginagamit ko ay mula sa aking tunay na ama na hanggang ngayon ay hinahanap pa ng taong binayaran ko. Maraming Rodriguez sa Espanya at hindi madali ang mag-imbestiga lalo pa at ayaw magbigay ng kahit na anong detalye ni mama na labis kong ipinagtataka. Napakuyom ako sa kamao upon remembering my past experiences na dahilan kung bakit ako naging ganito katigas ngayon. A man with no mercy and will destroy whoever na humarang o bumangga sa akin. "Boss tumatawag si Chua." Saad ni Meynard na siyang nagpabalik sa huwisyo ko. I clench my teeth at inabot ang cellphone mula sa tauhan ko. "Oh Mr. Chua I'm glad you remember to call me." I said. "Mr. Rodriguez-- P-please just give me a week more to produce the money I owed you." He said begging. Si Mr. John Chua ay isa sa mga negosyanteng may malaking utang sa akin dahil sa pagkalulong din sa sugal at maging sa droga. I met him sa isang event ng mga kilala at prominenteng negosyante sa bansa and soon we became friends. I introduced him to my illegal business at nagkataong lulong na siya noon sa casino and he eventually borrowed a huge amount of money from me. Milyon ang halaga na pinag-uusapan namin at medyo atrasado na siya ng isang linggo sa pagbabayad at hindi ako natutuwa sa mga paulit-ulit na paki-usap niya. And lately ay pinagtataguan na niya ako kaya sinabihan ko na ang mga tauhan kong bantayan siya ng mabuti. And now he is calling me. Siguro ay binantaan na ito ng mga tauhan ko kaya ngayon ay muling tumawag para makiusap but if he thinks na madadaan niya ako sa pagpapaawa ay nagkakamali ito. Alam ko ang likaw ng bituka ng mga kagaya niyang tuso rin katulad ko at sa mundong aking ginagalawan na kung saan ang awa ay walang puwang sa puso ay siguradong matitikman nito ang bangis ng aking pagiging ganid at tusong Mafia leader ng Pilipinas. "Just give me back my money tommorow Mr. Chua and we're done." I told him firmly tsaka ko siya agad pinatayan ng tawag. Ibinalik ko kay Meynard ang cellphone at muling sumandal sa likod ng upuan at itinuon ang tingin sa labas ng binta. Pagkarating namin sa pag-aari kong gymn ay agad na akong nagsimula sa aking work-out, habang naroon lamang sa labas ang mga tauhan ko at naghihintay na ako ay matapos. After I worked-out ay dumiretso naman ako sa aking opisina na naroon din sa ipinatayo kong tower na pinangalanan kong Veronica Tower, next to my mom's name at kung saan nag-ooperate ang ilan kong negosyo na maituturing na mga underground business at ang jewelry store na nasa ibaba ng gusali na siyang front at bukod tanging legal na negosyo na pag-aari ko. The online Sabong is being operated with the used of an Application at madalas na mahumaling ang mga taong mahilig din sa sugal. It operates in the black market kaya malaki ang nagiging kita ko sa bawat wager na naglalagay ng taya. Humigit kumulang isang bilyon kada araw ang pumapasok na pusta kabilang na ang mga naroon pa sa ibang bansa kaya mahigpit ang ginagawa kong pagbabantay lalo na sa mga pulis na gustong imbestigahan at pakialaman ang operasyon sa pamamagitan ng paghahanap ng butas. "Boss nasa warehouse na lahat ng mga kargamento." Pagbibigay alam sa akin ni Fausto ng makarating ito sa aking private office. "That's good, kontakin mo na agad si ka Julius para makuha na nila ang mga iyon at madala agad sa Mindanao." Utos ko kay Fausto kaugnay ng pagpick-up ng mga kliyente kong mga rebeldeng grupo mula pa sa Davao City. "Yes boss tinawagan ko na rin kanina at nasabi nga niyang kaliwaan daw po ang abutan ng bayad." Anito na siyang nakikipag-usap sa lahat ng mga kliyente namin. "Perfect, then be ready and make sure na makukuha natin ang tamang halaga ng mga armas." I commanded again firm and constantly. Fausto nodded as a response. "But we have a problem boss." Sambit nitong biglang naging alumpihit sa pagkakatayo sa harapan ko. "What is that Fausto?" Lukot ang mukhang tanong ko sa sinaad niya. "Theres a certain task force na galing sa mga awtoridad that you're company is being investigated, dahil nai-uugnay sa mga nawawalang sabungero boss Tyron."Imporma niyang dahilan para mapakuyom ako ng kamao. I know that Hanz is very eager na pabagsakin ako kaya niya inilalabas sa media ang mga kasong may kaugnayan sa aking negosyo. "Then do something para mawala ang issue at mabaling sa iba ang interest ng mga tao." I said na kalmado lang ang tinig. I already see it coming and I'm always ready para sa mga ganitong problema. "We're doing everything para iligaw ang mga pulis pero sadyang nakikiaalam ang NBI boss, at si Hanz Tuzon mismo ang bumuo ng investigating team para makapasok sa mga operations natin." Saad pa nito. Lalo akong nabuhayan ng dugo and thought of crushing that bastard into pieces but I will give him the good fight he wanted. I told myself na biglang nakaisip kung paano wawalisin si Tuzon na gigil na gigil at gusto akong pabagsakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD