3 Days After, Manila. Knight Mansion.
Bumalik na sila galing island. Nasa dining table si Alessandra at Tyron, nag-aalmusal.
Pancakes, bacon, at... ang paborito ni Alessandra dati, adobo.
Pero pag-amoy ni Alessandra sa adobo...
"Ugh!"
Tumakbo si Alessandra sa banyo.
"Aless!" takbo ni Tyron sa likod niya.
Sa banyo, suka nang suka si Alessandra.
"Love, okay ka lang?" alalang-alala si Tyron, hinahagod likod niya.
"I'm okay... ewan ko... bigla lang ako nahilo," sabi ni Alessandra, maputla. "Siguro pagod lang sa island at sa putukan."
Binuhat siya ni Tyron pabalik sa kwarto.
Buong araw, ganun si Alessandra. Nahihilo. Pagod. Ayaw sa amoy ng kape na dati paborito niya. Gusto lang matulog.
Gabi na, nasa kama sila.
"Mr. Knight, ang hina ko today," bulong ni Alessandra, nakasandal kay Tyron. "Nahihilo ako kanina sa office. Lahat ng empleyado nag-alala."
Kumunot noo si Tyron. "Pinacheck up mo ba?"
"Hindi pa. Siguro kulang lang sa tulog. Or... baka na-stress lang ako kay Ethan at Sophia."
Hinawakan ni Tyron noo ni Alessandra. Walang lagnat.
"Tomorrow, I will call Dr. Reyes, okay? My private doctor," sabi ni Tyron. "Ayoko may masama sayo, Mrs. Knight."
"OA ka naman, Mr. Knight. Konting hilo lang," ngiti ni Alessandra pero maputla pa rin.
"Hindi OA, love. You are my wife. Kahit konting hilo mo, world war na sakin," seryosong sabi ni Tyron at hinalikan noo niya.
Hiniga ni Tyron si Alessandra at kinumutan.
"Sleep ka na, Mrs. Knight. I will watch over you."
At nakatulog si Alessandra sa bisig ni Tyron, hindi alam na may nagbabago na pala sa loob niya...
---