*Five Years Later. Manila Peninsula Hotel.*
Puno ng mayayaman ang buong ballroom.
Engagement party ni Sophia Dela Rosa — yung half-sister na umagaw sa lahat kay Alessandra. Suot niya ang white Valentino dress, hawak-hawak ang kamay ng ex-fiancé ni Alessandra na si Ethan.
"Finally, akin na lahat," bulong ni Sophia habang tumatawa. "Yung bahay, yung company, pati yung lalaking dapat para sa kanya. Kawawa naman si Ate, baka patay na yun sa labas, namamalimos."
Nagtawanan silang lahat.
Hanggang sa bumukas ang malaking pinto.
_Click. Click. Click._
Tunog ng mamahaling red high heels.
Tahimik na tahimik ang buong hall.
Pumasok ang isang babae na nakasuot ng pulang-pula na gown, hiwa hanggang hita, kita ang makinis at sexy na katawan. Mahaba ang itim na buhok, mapula ang labi, at malamig ang tingin. Elegante. Makapangyarihan. Hindi na siya yung dating iyakin.
Si Alessandra.
Nabitawan ni Ethan ang baso niya.
"A-Alessandra? Ikaw... ikaw yan?"
Ngumiti si Alessandra. Pero malamig ang ngiti niya.
"Hi, little sister. Namiss mo ba ako?"
Namutla si Sophia. "Imposible! Dapat patay ka na! Wala ka na! Pinalayas ka na namin!"
"Patay?" Tumawa si Alessandra nang mahina at kumuha ng wine sa waiter. "Hindi, love. Nagpahinga lang ako. Para bumalik at maningil."
Bago pa makasagot si Sophia, may isang matangkad na lalaki na lumitaw sa likod ni Alessandra. Naka-black suit, gwapo na parang diyos, pero nakakatakot ang titig.
Si Tyron Knight. Billionaire CEO ng Knight Empire. Pinaka-bata at pinaka-dangerous na billionaire sa Asia.
Inakbayan niya si Alessandra sa bewang.
"My wife doesn't like noisy places," malamig na sabi niya, tinitigan lahat ng tao sa room. "Kaya tumahimik kayo at makinig kayo sa asawa ko."
_Asawa?_
Nagulat ang lahat!
Si Alessandra Dela Rosa — yung pinagtawanan nilang pulubi sa ulan five years ago — asawa na ngayon ng isang Knight?!
Lumapit si Alessandra kay Sophia, bumulong.
"Kinuha mo yung pamilya ko. Kinuha mo yung fiancé ko. Kinuha mo yung pangalan ko."
Itinaas niya ang wine glass niya.
"Ngayon, babawiin ko lahat. With interest."
At buong-buo niyang ibinuhos ang red wine sa puting-puting Valentino dress ni Sophia!
Napasigaw si Sophia!
At si Tyron? Tinitigan lang ang asawa niya na parang adik na adik sa kanya, at bumulong,
"Good girl, Mrs. Knight."
---