Chapter 5 "Ang kwento ng pinagmulan"

758 Words
Pagkabalik ni Jerick sa silid nila ng kanyang mga kaibigan ay tinanong agad siya ni Edison. "Anong nangyari?" Hindi masagot ni Jerick ang tanong nito at tila tulala ito sa nangyari kanina habang nasa isip pa rin si Ella. "Grabe! Buti na lang nandiyan si Ella at natulungan tayo. Ngayon ko lang din nalaman na takot pala ang ahas sa bawang at sibuyas. Ano pala nangyari Leni at san ka rin nanggaling Jerick? Paano mo nakita ang ahas?" sunod-sunod na tanong ni Lemuel. "Naglalakad lang ako patungo kung saan si Doctor Romulo. Narinig kong tila may kausap sa room 13 nang bigla akong lumapit saka sumilip. Nakita kong nakakulong ang isang normal na ahas sa tabi niya na tila ito ang kausap niya ng pagalit. Dahil sa sanay ako mag-alaga ng sawa kasi nga tatay ko ay nag-aalaga ng kung ano-anong hayop ay naisipan kong palayain ito. Kaya noong pag-alis ni Doc. Romulo ay lumapit ako roon sa kulungan. Nagtataka pa nga ako kasi pinapaligiran ito ng bawang. Tapos parang nahipnotismo ako. May nagsasalita sa isip ko na kaawaan ang ahas at baka kainin pa niya ‘yong mga bawang. Ganoon ang sinasabi ng isang boses ng matanda sa isipin ko kaya binuksan ko ang kulungan at pinakawalan ko na lang ‘yong ahas. Ngunit paglabas ng ahas ay bigla kong napansin na lumaki ito na singlaki ng lamesa na at unti-unting naging anaconda. Kaya tumakbo na ako dahil sa pagkabigla at sa takot," kuwento ni Leni. "Ano ba talaga? Veterinarian ba talaga ‘yang si Doc. Romulo o baka naman Doctor Quack Quack?" inis na sabi naman ni Jena. "Bakit mo pa kasi sinundan pa ‘yong si Doc. Romulo?" inis na pasaring naman ni Edison. "Cute kasi siya e." "Sus ang harot! Iyan ang napapala mo," asar na sabi ni Jerick nang bigla itong binatukan ni Leni. Natigil na sila sa pagkukuwentuhan pagkatapos marinig ang boses ni Doc. Romulo. Dumating ito na may dalang injection. Sabay lumapit sa kanila kaya natakot silang lima. "Oh? Bakit biglang natahimik kayo?" tanong ni Romulo. "Excuse me. Magpapalamig muna ako at lalabas sandali," inis na sabi ni Jerick. "Tol, huwag mo kalimutan ang bawang!" ani Edison. Nang magkapantay na si Jerick at Romulo ay saka sinagot nito si Edison. "Sige Edison," sagot pa nito. Naghudyat na parang bisto niya na may kinalaman ang doctor sa pangyayari dahil sinamaan niya ito ng tingin bago umalis. Guilty din si Romulo sabay lumapit kay Lemuel habang nakahiga pa rin ito. "Kukuhanan kita ng dugo para makita ko kung anong sakit mo. At naipahid niyo na ba ang sibuyas at bawang sa paa ni Jena?" "Opo doktor, malakas na nga ang paa ko. Nakakalakad na ako," nakangiting sabi pa ni Jena. "Mabuti naman," walang imik at seryosong sagot ni Romulo. "Puwede na po ba kaming umalis after this doc? Ouch! Hey watch out!" inis na sabi ni Lemuel. Pagkatapos masaktan sa turok ng karayom ni Romulo dahil sa nagulat ito sa sinabi ng binata. "You should have your guardian before you left this clinic. Sila pasunduin niyo! I'm sorry. Hindi ko kayo papayagan!" ani Romulo. "What the f**k! Why?" sigaw na sabi ni Lemuel. Ngunit hindi na ito pinansin ng doctor na agad-agad umalis. Habang naglalakad si Romulo ay parang pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya. Ngunit di niya na lang ito pinansin at dumiretso na sa Room 13. Pagkapasok niya roon ay nandoon si Ella na mangiyak-ngiyak sa sakit. "SSsshhhh... tahan na tahan na! Ito. Kumuha ako ng dugo sa kanila. Inumin mo kahit kakaunti lang itong nakuha ko kay Lemuel. Para lumakas ka na pati ‘yang pilay mo ay gumaling na," ani Romulo sa kapatid. Nang ipinainom niya ito ay dahan-dahang lumakas ang dalaga saka tumayo hanggang tumuwid na ang mga tuhod at paa nito. "Salamat kuya!" sabi ni Ella sabay yakap sa kapatid habang umiiyak na naman. Nang pagkakalas ng yakap ay nagsalita ulit ito. “Nasaan si Lolo Kasyo? Siya ba ‘yong sawa na umatake sa kanila?" "Sinasabi ko na nga ba! Aswang kayo!". Napatalikod silang dalawa nqng makita nila si Jerick na matalas ang tingin sa kanila habang hawak-hawak ang bawang at galit na galit. "Jerick, nagkakamali ka. Hindi ako aswang!" sigaw na sabi ni Romulo. Biglang lalapit sana si Jerick habang hawak-hawak ang bawang ay napasigaw ng sobra si Ella na tila nasusunog.  Kaya't biglang sinapak ni Romula sa panga si Jerick kaya napahiga ito. "Huminahon ka Jerick! Wala ka pang alam. Oo, Hindi ako aswang pero ang kapatid kong si Ella ay isang aswang!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD