Chapter 1 "Rebelde"

1055 Words
Isang kotse ng van ang biglang naligaw at napadayo sa isang probinsya na kung tawagin ay Probinsya Luisita. "Buti na lang naitakas natin itong si Jena sa mga magulang niyang mga baliw. Akalain mo bang gusto nilang ipa-abort ang apo nila. Grabe!" galit na sabi ni Jerick. Isang dalawampu’t tatlong taon na binata na siyang nagmamaneho ng van. "Kaya nga… Hindi talaga ako makapaniwala na ganoon ang naisip nilang solusyon. Sabi ko nga na pananagutan ko eh! Ang hirap basahin ang utak ng mga matatanda ngayon…" wika ni Lemuel. Isang dalawampu’t isang taon na binata at kasintahan naman ni Jena. Halos pareho lang sila ng edad ng nagdadalang tao na katropa nilang kasama sa van. "Asan na ba tayo, Leni?” tanong ni Jerick. "Malapit na tayo sa destinasyon natin," bungad na sabi ni Leni. Dalagang mga sing edad nila. "Hay naku! Akin na nga ‘yan. Ang bagal-bagal mo," inis na sabi ni Edison. Isang dalawampu’t isang taon. Magbabarkada silang nag-istokwa dahil lang sa kaibigan nilang nagdadalang-tao. Higit pa sa magkakapatid ang kanilang turingang lima. "Bakit kasi di kayo gumamit ng GPS!" sigaw ni Jerick dahil sa inis. "Wala kasing signal dito oh!" paasik na sagot ni Edison saka iniangat niya ang cellphone niya. "Tang ina ang init na sa lugar na ‘to. Saang probinsya na ba tayo?" reklamong sagot ni Lemuel. Nang biglang may nakita sila sa di kalayuan na isang check point. "Oh my God! Ano ‘yan?" nag-aalinlangang wika ni Leni.                  "s**t! Sis Leni! Parang mga rebelde. Ganyan ‘yong nakikita ko sa balita," naka-alertong wika ni Jena.   Pagkarating nila sa check point ay agad huminto ang van nila. Maraming mga kalalakihan na nakasuot ng pangsundalong pantalon at itim na damit ang nakaabang sa kanila. "Bago kayo rito no?" sabi noong isang matandang lalakeng  nakasuot ng salamin. Mukhang hindi ito katiwa-tiwala dahil sa mukhang itong rapist na ex-convict at leader ng mga rebelde. "Oho! Bakit ho? Ano ang kailangan niyo sa amin?" nagmamatapang na sabi ni Jerick. "Baba! Dali!" sigaw noong isa pa nilang kasamahang rebelde pagkatapos silang tutukan ng baril. Agad naman silang bumabang lima pagkatapos ay pinaglinya sila ng mga rebelde. "Gusto ko ‘yong isa bossing oh! Morena at bata pa! Matambok ang puwetan! Masarap lamasin," sabi ng isang manyakis habang nakangiti sabay turo kay Jena. Dumepensa naman si Lemeul. "Wala naman ganyanan! Girlfriend ko ‘yan!" Bigla itong hinampas ng baril ng rebelde at natumba. "Itaas ang kamay!" pananakot na sigaw ulit ng nakasalaming rebelde. Kaya sumunod ang lima sa utos nito. Sa kalagitnaan ng kagubatan at napakainit na sikat ng araw ay tila may balak ang mga rebeldeng i-hostage ang limang kabataan. Ngunit dahil mautak si Jerick ay nakipagtitigan siya kay Edison habang nginunguso ang nakatutok rito na baril. Senyas na inuutosan niya ipaagaw sa kaibigan ang baril ng rebelde. Kaso sa kamalasan ay di kayang gawin iyon ni Edison dahil sa takot ito kaya mas lalong nainis at nagtimpi na lang si Jerick. Nang papalapit na ang leader ng mga rebelde na may suot na salamin ay sinimulang niyang kapaan si Edison. Nadungaw ni  Jerick sa likod ng leader ng mga rebelde ang isang riffle kaya agad siyang tumingin kay Jena. "Psst! Jena! Akitin mo sila! May plano ako!" utos ni Jerick ng pabulong. "What? Are you crazy pare? Girlfriend ko ‘yan," bulong na wika ni Lemuel na tila naiinis. "Basta akong bahala dali!" sabi ni Jerick sabay tumingin siya kay Leni at ngumuso ulit dun sa likod ng leader ng mga rebelde na nangangapa kay Edison. "Kunin mo ‘yong pistol. Sa ‘yo ‘yon habang akin naman ang riffle. Kaya mo?" bulong ni Jerick at di naman tumanggi si Leni sa senyas nito.   Nang biglang sinimulan nang akitin ni Jena ang mga rebelde kaya sa babae sila pumunta. Habang ‘yong leader naman ay nagtataka dahil parang may nahawakan o nakapa siyang tila matigas na bagay sa kawatan ni Edison. "Ano to?" sigaw ng leader ng mga rebelde nang simulan niyang pahubarin si Edison ay nakita niya itong may suot na anting-anting na kakaiba. "Alam ko ‘to ah! Pangontra ‘to sa mga aswang," sabi pa nito. Umatake at hinampas, sinipa ito sa likod ni Edison. Agad namang dinampot nina Jerick at Leni ang mga baril kaya natigil ang mga rebelde. Naglabas din ang mga ito ng kanya-kanyang baril. Sinipa ni Jerick ang leader ng mga rebelde at pinatayo saka ginawang hostage. "Anong pangalan mo?" "Commander Raquel," sagot ng leader ng mga rebelde. "Sige tang-ina niyo! Subukan niyong lumapit sa amin. Pasasabugin ko ang ulo ng leader niyo!” pasigaw na sabi ni Jerick habang nakatutok ang baril sa leader ng mga rebelde. Agad silang lumayo sa grupo ng rebelde kasa-kasama ang leader ng mga ito. Hinabol naman sila ng mga rebelde para tugisin. "Tang-ina ano ang gagawin natin diyan Jerick? Bitawan mo na ‘yan!" utos ni Edison. "Siya ang alas natin. Kung pakakawalan natin siya ay di tayo tatantanan ng mga hayop na ‘yan! Isa pa! Wala tayong kotse," ani Jerick. Biglang namang nadapa si Jena at napasigaw. "Babe, di ko na kaya tumakbo!" Kaya binalikan siya ng kasintahang si Lemuel saka binuhat. Lalo na't nagdadalang-tao pa ito. Tuwang-tuwa namang binabaril ni Leni ang mga ibang rebelde na naghahabol sa kanila. "Tigilan mo na nga ‘yan! Mauubusan pa tayo ng bala," inis na wika ni Lemuel. "Bakit ba? Anong pakialam mo? Duwag ka kasi. Dapat nga ikaw nakahawak sa baril na ‘to e," pang-aalaska na wika ni Leni. Nang medyo nakalayo-layo na sila ay may nakita silang isang building na may nakasulat na Poly Clinic. Walang katao-tao kaya dumiretso sila agad papasok sa loob. Pagkatapos ay sinarhan nila ng kahoy ang pinto. Puro sila hingal na hingal pagkatapos nilang takasan ang grupo ng mga rebelde. Agad may nakita si Jerick na tali kaya tinali niya ang kamay ni Commander Raquel nang mahigpit. Sabay nilagyan pa ‘to ng scatch tape sa bibig. Naglakad-lakad sila sa clinic nang may makita si Jena. "Jerick look!" tawag niya. Lumapit si Jerick sa may nakasulat na wanted. Mukha ni Commander Raquel at may pabuya pa itong 50k. "Tang-ina p’re! Tiba-tiba tayo! Jackpot!" natatawang sabi ni Edison nang agad na may narinig silang boses.                 "Anong ginagawa niyo rito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD