Chapter 16

1290 Words
Nagulat na lang sila nang may dugong lumusot sa ibaba ng pinto at natahimik ang sigaw ng kasama nilang rebelde sa labas ng pinto na naka-lock. "OMG! Jerick!" nag-aalalang sabi ni Leni. "Hayaan n'yo na 'yan! Baka 'yan yung isinama niyang kasamahan ng mga dayong 'to!" pambabalewalang sabi ng commander. "Boss, paano kung 'yan 'yong matandang aswang?" takot na sabi ng isang rebelde. "Kaya nga madaliin natin e!" wika ng pinuno nila at lahat na sila ay naglakad nang mabilis habang sinusundan ang mga sinasabi ni Romulo. ~~~ Sa labas naman ay si Jerick na nakatakas sa kamay ng matandang aswang. Ginamit niya ang taktika niya dahil maingay ang rebeldeng kasama niya. Habang tumatakbo sila ay iniwan niya ito at kumanan sa kabilang pinto. Isinara niya iyon at iniwang mag-isa sa labas ang kasama. Napatakbo ito hanggang sa maabutan at mapatay ng matandang aswang, doon pa sa kinaroroon nina Leni. Inaakala rin ng matandang aswang na walang kasama ang rebeldeng kanyang napatay. Kaya naman, humanap si Kasyo ng daan kung paano matunton ang lahat ng mga buhay sa loob ng operating room na kinaroroonan nila Leni at iba pang panauhin. Sa sobrang takot ni Jerick ay walang tigil pa rin siyang naglalakad nang mahina hanggang sa nakababa siya sa basement. May napasukan siyang bigla, ang morgue. Mas lalo siyang nangamba nang makitang punong-puno ito ng bangkay na naagnas na. Napakabaho at halos masuka siya. Ngunit masuwerte siya't may nahagilap siyang flashlight na hawak-hawak ng isang bangkay na gumagana pa ang battery saka tiningnan ang lahat ng mga nakahandusay. "Puro sila rebeldeng namatay." Habang tinututok niya ang flashlight rito, may naaninag siyang nakasulat sa dingding. Nakaturo sa isang mortuary compartment. Binuksan niya iyon at binalot siya ng dilim. Walang bangkay kaya pumasok siya hanggang sa ma-slide siya at dalhin sa isang kuwartong na mas mababa pa sa basement naka-locate. "Aray! May ikalawa palang basement 'tong clinic," sabi niya sabay pagpag ng kanyang suot. Binuksan niya ang hawak-hawak na flashlight at nakitang punong-puno iyon ng iba't ibang armas. "Wow! Tangina! Hanep!" tuwang sabi niya sabay kinuha ang mga baril pati mga first aid kit. May mga itak pa at iba pa. May nakapa rin siyang generator na sinlaki ng hippo kaya hinanap niya ang main switch nito. Nang mahawakan niya ang kanyang hinahanap ay pinaandar niya ito upang mabigyan ng ilaw ang buong clinic. Nagulat siya sa kinaroroonan niya. Parang secret place na may makapal na shield na gawa sa metal ang buong kuwarto. Tila mahirap gibain at parang hindi na parte ng clinic. Pinatay na niya ang flashlight niya dahil may ilaw naman. Pagkaatras niya ay nabangga niya ang tila isang salamin kaya tumalikod siya at nanlaki ang mata niya sa gulat. Isa itong malaking land bomb mula pa sa panahon ng mga hapon. Nasa loob ito ng transparent glass na kuwadrado na parang sa museum. Binasa ni Jerick kung ano ang nakalagay sa isang papel na nakadikit sa itaas nito. Ayon sa nakasulat ay nahanap ito ni Joshua pagkatapos mahukay habang ginagawa ang clinic. Itinago niya ito dahil baka makumpiska ng gobyerno dahil nga may posibilidad na sumabog pa ito kahit nakalipas na ang ilang taon mula pa noong panahon ni Mahoma. Itinago ito ni Joshua na ama nina Ella at Romulo noong buhay pa ito. Inilagay at pinalibutan ng glass ang kuwarto para paglagyan ng armas at kung ano-ano pa. Hanggang sa mapansin ni Jerick na sa katabi nito ay may isang hugis pabilog na metal na puwedeng pagkasyahin ang dalawang nakatayong tao. Na-curious siya at binuksan niya ito na nagkakagaan ng 45 lbs. Tama nga siya. Dalawang tao lang ang puwedeng magtago rito. Isa rin yata ito sa mga kulungan noong panahon ng hapon na ipinasemento ni Joshua at ginawa niyang double shield na hindi puwedeng matupok ng apoy. "Scientist nga si Joshua—ang ama ni Ella at Doc. Romulo. Ang galing ng utak niya!" namamanghang sabi ni Jerick sa isip. Walang pakundangang kinuha ni Jerick ang mga armas sa kuwarto at inilagay sa isang bag na nakita rin niyang nakalagay lang doon. Nang makapag-isip muli siya ay binasag niya ang salamin saka kinuha ang land bomb kahit mabigat din ito. Nang humanap siya ng pinto sa kuwarto para lumabas ay wala. Medyo naubusan din siya ng hininga dahil nasa second floor siya ng sinasabing basement na kaunti na lang ang oxygen na nasasagap niya. Buti na lang at gumana ang utak niya nang mapansin niyang madaming oxygen na nakapalibot sa kinatatayuan niya. Kaya humanap siya ng tube at oxygen mask dahil isa siyang nag-aaral ng medtech. Nakahanap na siya sa may drawer doon. Nang mapansin niya sa wakas ang tila isang ladder sa itaas ay naghanap siya ng panungkit at sinungkit niya ito nang madalian. Bumaba ang isang ladder kaya't inakyat niya ito at umangat ang ulo niya sa isang kuwarto sa main basement. ~~~ Nabuksan ang isang madilim na kuwarto ni Doc. Romulo habang nakatutok sa ulo niya ang isang shotgun na hawak ni Commander Raquel. Ang dalawang rebelde ay may kanya-kanya ring pistol na hawak. "Dito ba? Saan diyan ang daan palabas?" inis na ngisi ng commander. Nang di makasagot ang doktor ay biglaan niya itong sinipa kaya natumba ito sa loob ng madilim na lugar na parte ng kuwarto. Sabay na nagtawanan ang dalawa pang natitirang rebeldeng kasamahan nito. Naawa sina Leni nang bumulong sa kanya si Edison para tanungin kung ano ang nangyayari dahil naka-blindfold ito. Sinagot naman ito ng dalaga na pabulong din. "Huwag kang maingay, Leni, na nakawala ako sa pagkakagapos. Dahil yung salamin na pinampugot ko ng ulo ng pusa ang ginamit ko para kumawala sa tali ng mga kamay ko sa likod," ani Edison sabay mabilisan itinaas ang blindfold at kinindata nito si Leni, saka ibinalik ang kamay na kunwari'y nakatali pa din. Gumapang na lang si Doc. Romulo papalayo habang pinagtatawanan ng tatlong rebelde. Nagulat sila nang biglang hinila ni Edison ang isa sa mga rebelde at itinutok ang piraso ng matalim na salamin sa pulso ng leeg nito sabay tapon niya ng blindfold. "Sige! Subukan n'yong lumapit. Papatayin ko ang kasama n'yo!" sigaw ni Edison. Napangisi si Commander Raquel nang walang tawad na ipinaharap ang shotgun niya sa paa ni Doc. Romulo. Nagpaputok siya hanggang sa sumabog at saka nawalan ito ng isang paa. Naiyak si Ella dahil sa nangyari sa kapatid. "Huwag n'yong patayin ang kuya ko!" sigaw nito. Kahit wala na siyang lakas habang nakahandusay sa sahig kung saan siya binitiwan ng mga rebelde pagkatapos buhatin ay pilit niyang pigilan ang mga ito. Biglang gumulong at tumihaya si Romulo na may hawak na baril na pinulot niya sa may sulok. Pinagbabaril niya ang isa sa mga rebelde na malapit sa puwesto niya ngunit natamaan din siya nang barilin hanggang sa mawalan na siya ng buhay. Sa sobrang gigil at inis ni Commander Raquel ay nagpaputok siya sa baba ngunit wala na itong bala. Biglang may naghampas ng mabigat na plywood sa likod at ulo niya kaya natumba siya't nawalan ng malay. Sa sobrang gigil din ni Edison ay isinaksak na niya ang matulis na bagay sa leeg ng rebeldeng hawak niya hanggang sa mamatay ito't nagtalsikan pa ang dugo sa kanyang mukha. "Bakit mo ginawa 'yon?" naiinis na sigaw ni Leni kay Edison. "Baka kasi traydurin ulit tayo. Tingnan mo. Isinama mo at pinagbigyan sila. Nakita mo ang naging kapalit, 'di ba?" paliwanag ni Edison habang hinihingal sabay isinuot ang backpack. Narinig nila ang kakaibang huni ng boses na sumisigaw. "Takbo na kayo! Si Lolo Kasyo 'yon! Iyan ang boses niya kapag galit na galit siya," mahinang sabi ni Ella. "Paano ka?" tanong si Lemuel habang buhat-buhat ang buntis niyang kasintahan. "Huwag n'yo akong alalahanin. Basta tumakbo na kayo! May alam akong daan palabas kung hindi ako nagkakamali. Sa basement 2 ito at iyon ang sabi ni kuya. Ngunit hindi pa namin ito napasukan. Tanging si papa lang ang nakakapasok at may alam ng daan nito. Sekretong kuwarto ito ng clinic na pinahukay pa niya noong ginagawa pa ito," ani Ella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD