PART 1

1241 Words
___________________________________ "Ang bata-bata pa naging nanay agad" "Sayang kinabukasan" "Mga kabataan talaga ngayon! Ang lalandi!" Sari-saring lait ang narinig ko Gusto ko mang maiyak dahil sa masasakit na salita nila. Pero kailangan kong magmatapang. In fact, hindi nila alam kong ano ang mga pinagdadaanan ko *FLASHBACK* "WALANG HIYA KANG BABAE KA!!! TAPOS SASABIHIN MO SA AMIN NGAYON BUNTIS KA!!!" malakas na sigaw ni papa na nakapag-iyak sa akin Hindi ako nagawang magsalita. Humikbi lang ako ng humikbi "WALA KA NANG NAIDULOT SA PAMILYANG ITO. ISA KA LANG KAHIYAN!!!!" dagdag pa niya "BOBO KA NA NGA!! ANG LANDI MO PA!!. BAKIT HINDI KA GUMAYA SA KAPATID MO!!. MAY NAIDULOT SA PAMILYANG ITO!! HINDI KATULAD MO!! ISANG SALOT!!" si mama naman Si ate na naman. Palagi na lang si ate. Anak pa ba nila ako?? "SANA HINDI KA NA LANG NAMIN ANAK!! ANO NA LANG SASABIHIN NG MGA KAIBIGAN NAMIN!! MGA KATRABAHO!! NA MAY ANAK AKONG ISANG. HAY!!" di na naituloy ni papa dahil sa galit "Ma pa. Hindi ko naman po din ginusto ang nangyari sa akin. Ginahasa po ako" umiiyak na sabi ko "KASINUNGALINGAN!! ANG TOTOO NIYAN AY SOBRANG MALANDI KA LANG KASI!!" sigaw ni ate "Hindi totoo yan" humihikbing saad ko "YUN ANG TOTOO!!. KAYA KUNG AYAW'T SA GUSTO MO!. LUMAYAS KA NA SA PAMAMAHAY NA ITO. KUNG AYAW MONG AKO MISMO ANG MAGKAKALADKAD SAYO PALABAS!!"ani papa sabay turo sa main door "Ma!!" pagmamakaawa ko kay mama pero galit lang ang natamo ko "LAYAS NA!!" Wala akong ibang choice kundi lumabas na. Habang tumutulo pa din ang mga luha "HUWAG KA NANG MAGPAPAKITA SA AMIN PA!!" galit na sigaw ni papa sabay tapon sa akin ang mga damit ko ___________________________________ "Sorry talaga bes ha. Gustuhin ko man na patuluyin ka sa bahay namin. Pero, ayaw ni dad eh. Tumawag kasi papa mo sa dad ko. Sabi niya karma mo na daw yan. Sorry" "Sige-sige salamat. Naiintindihan naman kita. Sge mauna na ako sa iyo" ani ko at binitbit na ang mga gamit "Teka lang bes, saan ka pupunta ngayon" alalang tanong niya "Basta. Kaya ko na sarili ko" sambit ko na lang "Alis na ako ha??" Dagdag ko at umalis na Pagtalikod ko sa best friend ko ay tumulo na naman ang luha ko ___________________________________ Kahit saan-saan na ako pumunta. Sa mga kaibigan ko. Mga Tita, Tito. Mga kamag-anak. Pero ni isa ni hindi ako pinatuloy. Parang di nila ako pamilya ah!? _______ Napahinto ako sa isang fast food chain. Nakatayo lang ako dito sa labas. Para san pa?. Wala man nga lang akong pera kahit piso Ilan sandali pa'y napahawak ako sa tiyan ko dahil nagugutom na ako _____ Habang nandito ako sa gilid ng kalye na nakaupo sa pinagtagpi-tagpi kong karton na nakita ko kanina sa gilid ng basurahan ay napahawak na lang ako sa tiyan ko "Sorry anak ha?. Kung ganito ang sitwasyon natin ngayon. Pero sa lahat ng ito. Pinapangako ko sa iyo na papalakihin kita na mag-isa. Maghanap na lang siguro ako ng trabaho. Baka, may kumuha sa akin. Anak, pinapangako ko sayo na hindi mo maranasan ang niranas ko ngayon. Maging, maganda ang kinabukasan mo. Pinapangako ko yan" Tumingin ako sa kalangitan (Lord. Kayo na po ang bahala sa akin ha??. Sana hindi niyo 'ko pababayaan. Kayo na lang po ang Tanging pag-asa ko Lord. Pero Lord. Bakit po ako naging ganito?? Letse, kasi yung nang r**e sa akin eh!!. Kung malaman ko talaga kong sino yung taong yun Lord, ipapakulong ko talaga siya) Di ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko (Na naman?? Kailan ba ako titigil sa pag-iyak?? Hanggang san pa??? Bukas?? Sa makalawa?? Pagod na ako Lord. Pagod na pagod) ___________________________________ Lumipas pa ang mga araw, buwan, minuto, Segundo. Matamlay lang akong palakad-lakad sa kalsada para manlimos May mga tào namang mababait na nagbibigay sa akin. Pasalamat na lang ako sa Maykapal, kasi kahit na 5 pesos lang ang ibinibigay nila sa akin. Malaking halaga na yun para sa akin Minsan, ay may nagbibigay pa ng pagkain sa akin. Amin pala ng anak ko. Isang buwan palang akong buntis kaya di masyado pang malaki ang tiyan ko Trinry ko na ring magtrabaho. Kahit saan-saan na lang. Pero ni isa walang tumanggap sa akin dahil buntis raw ako at wala pa raw ako sa tamang edad para magtrabaho. Ni hindi pa nga raw ako nakapagpatapos Wala akong magawa kundi mamalimos na lang dito sa kalsada. Hindi rin ako kilala ng sino man na nakakilala sa akin noon kasi maitim na ako, gulong-gulo pa ang buhok at ang pangit na ng mukha Hanggang isang araw, napahinto na naman ako sa tapat ng isang fast food chain. Gutom na gutom na talaga ako. Hilong-hilo na din ako dahil sa init ng panahon Di ko na nalabanan ang hilo at nahimatay na talaga ako. Ang natatandaan ko lang ay may isang baklang tumulong sa akin *END OF FLASHBACK* (Its almost 4 years ago na ang nakalipas. 4 years nadin na wala na akong koneksiyon sa pamilya ko at mga kaibigan) (Oh, nakalimutan ko pala Hindi na pala pamilya at kaibigan. Dahil wala na sila sa buhay ko. Hindi na sila importante sa buhay ko) (Sa oras na kailangan ko sila? Ay wala man silang paki sa akin?? Yung matalik ko na kaibigan, hindi na nga niya ako kilala nung magkita kami!. Pulubi lang ang tingin niya sa akin) (4 na taon na ang nakaraan nung mga paghihirap ko. At ngayon!! I'm 19 years old. Nagbago na ang buhay ko, bumalik na sa dati ang buhay ko. Dahil sa kaniya) "Tahan na!.Nandito na tayo sa mommy Klea mo oh!??"ani Pauline/ Paulo habang karga-karga niya ang 3 year old kong anak na umiiyak Kinuha ko sa kaniya ang anak ko at kinarga ito. Na si Khiera Nicole. Parehas sa aking may Nicole. Pero ang nakaisip ng Khiera ay si Pauline "Don't cry na anak. Nandito na si mommy oh!!. Sshhh!!" Pagpapatahan ko kay Khiera "Naku marsi!!! Kanina pa yan umiiyak!!. Gustong-gusto ka raw puntahan. Sabi ko naman na di puwede kasi, nasa school ka pa!!" ani Pauline sabay lagay ng bag dito sa may lamesa "Tahan na anak!. Bili na lang tayo ng ice cream don sa canteen?. Okay???" Gumuhit naman ng ngiti ang kaniyang labi. Napangiti na lang ako sa ka-cute-tan niya Nandito pala kami ngayon kung saan ako nag-aaral. Grade 10 palang ako ngayon. Nagsimula lang akong bumalik sa pag-aaral last year at dahil yun sa tulong ni Pauline (Ang laki-laki ng utang na loob ko sa kaniya. Kung di dahil sa kaniya ay namatay na kami mag-ina. Kung di dahil sa kaniya ay namamalimos pa rin ako ngayon sa daan) (Si Pauline ang nag-alaga sa akin nung buntis ako. Pinatuloy pa niya kami sa bahay niya at pinatira. Wala din naman daw siyang kasama doon sa malaking bahay niya. Siya rin ang nag-aalaga sa akin hanggang nanganak ako. Para na kaming magkadugo) (Si Pauline kasi ay isang director ng mga pelikula. Dahil sa pagdederictor niya ay nakapagpatayo siya ng sarili niyang salon) (Siya pa nga ang nagpa-aral sa akin ngayon. Sabi niya na "sayang din naman kung hindi ko raw ipagpatuloy. Hindi hadlang ang batang ina sa pag-aaral") (Tama naman talaga siya. Kaya pinapangako ko magmasipag ako sa pag-aaral para magantihan naman siya kahit papaano sa kabutihang loob na ibinigay niya sa amin. Magsisipag din ako para sa anak ko, ayokong matulad siya sa akin) —END OF CHAPTER 1–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD