–ETHAN POV– Dumating ako sa bahay nila Klea na luhaan. Pinipilit ko mang punasan ang mga luha ko, pero kusa talaga siyang tutulo Actually, hindi pa ako masyadong okay. Sumasakit pa din yung sugat sa tiyan ko, pero binalewala ko lang yun. Tinitiis ko lang Pagpasok ko sa bahay nila ay nakita ko kaagad ang mag-ina ko. Bihis na bihis pa ito at parang may pupuntahan Hindi ko namalayang tumatakbo na pala ako patungo sa kinaroroonan nila, at agad kong niyakap si Klea Sobrang mahigpit na yakap… "Klea sorry. Sorry Klea, patawarin mo sana ako. Sorry" sambit ko habang tumutulo pa din ang mga luha "Daddy Ethan??" napakalas naman ako kay Klea at tiningnan ang anak ko Tapos ay binuhat ko ito at niyakap 'Alam ko na kung bakit nung una pa lang ay ang gaan-gaan na nang loob ko sa batang ito. Ako p

