–KLEA POV– Panibagong araw. Magkasama kaming dalawa ngayon ni Ethan sa iisang kuwartong ito. Actually, kami lang ang naririto. Pero para atang ako lang mag-isa kasi, kanina pa niya ako hindi pinapansin. Naka-focus lang siya sa cellphone niya Actually din, kagabi pa siya ganyan. Pagkahatid niya sa akin ay agad-agad din siyang umalis. Wala man lang sinabing "Good night. Sweet dreams" parang hindi ko nga jowa. Tsk! "Hoy Daniel!" tawag ko sa kaniya sabay palo sa legs niya pero hindi pa din ako pinapansin "Ethan Daniel Rivera!" nakapameywang ko nang tawag pero wala pa din Napapangisi na lamang ako sa naisip ko. 'Tingnan lang natin ngayon Ethan' Umayos ako ng upo at kinuha ang phone ko sa ibabaw ng lamesa. Tapos ay dinayal ang number ni Gerald, sabay talikod na din kay Ethan [Klea?? Baki

