One shot story
Noon unang panahon may Isang matandang lalaki na mahirap at nag-iisa lang sa kanyang Bahay na nasa gitna ng bundok.
Meron syang malawak na lupa ngunit wala syang pera para makabili ng mga buto ng mga bulaklak.
Kaya ang ginagawa nya ay inaakyat nya ang bundok para maghanap ng mga ligaw na mga bulaklak at itinatanim nito sa kanyang lupa.
Nagkaroon sya ng mga magagandang koleksyon ng mga magagandang bulaklak, Puno at iba pa.
Maraming mga tao na nasa malayong nakatira ang pumupunta sa kanya para tignan ang mga ito.
Isang umaga at nakaupo ang matanda sa upuan sa labas. Nang biglang may narinig syang ingay sa kanyang likod.
Lumingon sya at nasurpresa sa kanyang nakita.
Isang watering can at maalikabok na nakatungtung sa sulok kaya lang ay nagulat sya dahil wala naman iyun kanina at meron naman s'yang watering can.
Maingat nya'ng kinuha ang watering can at pinahid ang alikabok at pumunta sa likod para hugasan ito.
" Maganda ang watering can na ito," Sabi nya sa kanyang sarili.
" Mahal ngayon ang watering can at sira na at manipis ang ginagamit ko ngayon.
Kaya ang matanda ay nilagyan nya ng tubig ang watering can at nagsimula na syang magbinyag ng kanyang pananim.
Nang matapos na ay pumasok ito at dala ang kanyang watering can sa loob ng Bahay.
Nang may naramdaman syang kakaibang nangyari.
Una ang hawakan ng watering can ay nagbago ng anyo at naging Ulo. Ang bibig nito ay nagsimula ng gumalaw at naging buntot. Pagkatapos ang katawan nito ay tinubuan ng maraming balahibo.
Ang watering can ay naging rabbit
Ang rabbit ay lumukso ito at tumakbo sa palibot ng kanyang Bahay.
Ang matanda ay natakot na ang rabbit ay sisisra sa kanyang kwarto. Kaya humingi sya ng tulong sa kanyang kapitbahay para hulihin ito.
Nang mahuli nila ito ay nilagay nila sa kahon na gawa sa kahoy. At umupo sa tabi nito at pinag-isipan kung ano ang susunod nilang gagawin.
" Kung ako sa iyo," Sabi ng kanyang kapitbahay. " Ibebenta ko ito."
Kaya ang matanda ay pumunta kay Jimmy, na Isang pets lover.
" Meron akong hayop na gustong ipagbili." Na maingat nya'ng binuksan ang kahon. Kaya lang ay na surpresa sya dahil ang hayop ay wala sa loob kundi Isang watering can.
Nagulat sya dahil wala na ang hayop sa loob.
" Wala na ang rabbit!" Sabi nito sa kanyang sarili.
" binebinta ko sa'yo ang watering can na ito. Magkano ang bigay mo para dito?" Tanong nya kay Jimmy.
At sa isip ni jimmy ay tamang-tama ito sa kanyang Hardin at naghahanap ito ng ganyang kaya binayaran nya ang matanda.
Nang gumabi na at natutulog si jimmy sa kanyang kwarto ay may naririnig s'yang maingay sa kanyang bodega.
Kaya bumangon ito at naghanap ng kandila para tignan kung anong ingay yun.
Nang pumasok sya sa bodega ay itinaas nya ang kandilang dala nya para makita ang loob nito.
Nagulat sya dahil ang watering can ay naging rabbit at sumayaw - sayaw pa ito.
Di alam ni Jimmy kung ano ang nanyayari dahil sa pagkamangha sa nakita.
Ilang oras din s'yang nag- isip kung ano ang kanyang gagawin nya sa mahiwagang watering can nya.
Ilang araw din nyang kasama ito at natutuwa sya dahil nagiging rabbit ito.
Kaya minsan ay nagpunta si Jimmy sa plaza ay mayroon mga taong naghahanap ng mga makakasama sa palabas.
Isang circus ang naghahanap ng kanilang makakasama kaya agad na nagpresista si Jimmy sa kanyang mahiwagang watering can.
Ipinakita nya ito at paano nagiging rabbit ang kanyang watering can.
Kaya nagpahangga sila sa kanya at kinuha sya.
Gumawa ang circuses ng poster na tungkol sa isang mahiwagang watering can na nagiging rabbit.
Kaya maraming mga tao ang gustong makita kung totoo nga ang bagay na iyun.
Sa unang labas ay lahat ng tao ay namangha sa kanilang nakita.
Nakita nila ang watering can ay nagsimulang maging rabbit at sumayaw sa kanilang harap. Di Sila makapaniwala at dahil dyan ay Isang malakas na palakpak ang maririnig nilang lahat mula sa mga taong namangha sa kanilang nakita.
Maraming mga lugar ang napuntahan ni Jimmy dahil sa kanyang mahiwagang watering can.
Kaya marami na syang pera na naipon at nakabili na syang lupa at malaking bahay.
Kaya laking pasasalamat nya sa matanda sa lahat ng kanyang yaman.
Isang araw ay nais ni Jimmy na pasalamatan ang matanda kaya kumuha sya ng pera at bumalik sa matanda kasama ang watering can.
" Marami na po akong pera Lolo kaya ko ng mabuhay mayaman hanggang sa pagtanda ko!" Sabi ni Jimmy sa matanda.
"Kaya ito po ang pera para maranasan nyo ang mabuhay ng masagana. Binabalik ko lang ang bigay nyo sa akin." Sabi nito sabay bigay ng pera sa matanda na hindi makapaniwala dahil sa kanyang nakikita na maraming pera ang ibinigay ni Jimmy sa kanya.
Nagpasalamat ang matanda sa kanya dahil sa kabaitan nito.
Kaya bumababa na si Jimmy at kasama na nya ang matanda sa malaking bahay kung saan naranasan nito ang mabuhay ng maranya sa hanggang sa huli nitong buhay.
Nagkaroon naman ng pamilya si Jimmy at nagpatayo ng Isang Bahay na para sa mga matatanda na walang-wala sa buhay at kinukupkop nya ang mga ito.
The end