One shot story
?Please don't forget to add, follow, like and share.
Panimula.
✍️Sa kabilugan ng buwan ay mayroon mag-iinang manananggal na pumunta sa kakahuyan na sina Nanay Soling at ang anak na si Agatha dahil ngayon gabi ang unang gabi ng kanyang anak na magiging manananggal.
Kaya tuturuan nya ito kung ano ang dapat nyang gawin.
Nagsimula ng mag pahid ng malansang likido si Nanay Soling sa kanyang katawan.
"Nay!, Napakabaho naman nito!" Sabi ng kanyang anak.
"Tumigil ka nga!, Una lang iyan nak!" Sabi nito at nagsimula na itong magpahid ng Langis sa buo nitong katawan.
Pinapanood naman ito ng kanyang anak.
"Oh, ikaw naman." Sabi ng kanyang Nanay.
Kaya kumuha ang kanyang anak ng kaunti at pinahid sa kanyang braso at Mukha.
Naduduwal pa nga ito dahil sa malansa at mabaho ang Langis na pinapahid nila sa kanilang katawan ng kanyang Nanay.
"Nay!, Bakit pa kasi gagamit tayo ng Langis pwede naman siguro na magpapalit tayo ng anyo na walang Langis na pinapahid." Tanong ng kanyang anak.
"Anak ganyang talaga!" Kapag magpapalit tayo ng anyo ay kailangang natin ang Langis. Ako nga ganoong din ang nasabi ko sa Lola mo!" Sabi pa nito.
Habang nagpapahid sila ay nagdadasal sila ng kanilang retwal. At nagsisimula na ang kanilang pagbabago.
Unti-unti lumalabas ang kanilang mga pangil at mahabang kuko habang humahaba ang kanilang mga buhok at lumalaki ang kanilang mga mata.
Habang unti-unti lumalabas ang kanilang pakpak at nahahati ang kanilang katawan.
Naiwan ang pang-ibabang bahagi ng kanilang katawan sa lupa.
Umuungol silang mag-ina sa pagpapalit anyo.
" Anak!" Sundin mo lang ako!" Sabi ng kanyang Nanay na hinahawakan ang pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan at itinago ito sa damuhan na mahahaba para hindi makita ng mga tao.
Kaya sinunod din ng kanyang anak ang ginawa ng kanyang Ina.
Nang masigurado na ayos at hindi makikita ang kanilang pang-ibabang bahagi ng kanilang katawan ay lumipad ng pa- itaas ang Nanay.
"Anak !" Halika ka at duon tayo sa kabilang barangay maghanap ng ating pagkain!" Wika ng Nanay.
"Nay!" Na -nahihiya po ako wala po akong mga paa.!" Sabi ng kanyang anak.
" Natural anak!" Manananggal tayo!" Sabi ng kanyang Ina.
Lumapit ang anak sa kanyang Nanay at lumipad Sila sa kabilang barangay.
Nakaamoy ang Nanay ng Isang mabangong amoy na nanggagaling sa buntis.
Kaya lumipad ang nanay kung saan nya naamoy ang mabangong amoy ng buntis.
Nasa bubong na sila ng kanyang anak.
At naghahanap ng butas sa bubong.
" Halika ka anak!" Amoyin mo!" Sabi ng Ina sa anak.
Nang amuyin ng anak ang pinapaamoy sa kanya ng kanyang Ina ay bigla itong napangiwi at nagtakip ng kanyang ilong.
" Bat ka nagtakip ng iyong ilong anak?" Tanong ni Aling Soling
" Nay!" Amoy ta-e po!" Sabi nya.
At nagtinignan ng kanyang Ina ang butas na nakita nya na nagtatae ang babaeng buntis sa banyo.
Kaya hinintay nila ito na makatapos sa kanyang pagtatae.
Mga ilang minuto pa ay natapos na ang buntis na babae sa kanyang pagtatae at pumunta na sya kanyang kwarto.
Kaya sinundan naman ito ng mag- Inang manananggal.
Nakita nila na pinatay nya ang kanyang ilaw.
At naghanap na sila ng butas na makakapasok ang kanilang dila.
" Anak may nakita ka na bang butas?" Tanong ni Aling Soling.
" Wala pa nay!" Sabi ni Agatha.
Dahil gawa ang kanilang bubong sa yero at nahirapan sila sa paghahanap ng butas.
" Anak meron ka nang nakita? Tanong uli ng kanyang Ina.
" Wala pa po!" Ulit na sabi nya.
"Anak meron na akong nakita, naamoy ko na ang mabangong amoy!" Sabi ng Nanay.
" Nay !" May nakalimutan ka pong dalhin!" Sabi nito sa kanyang Ina.
" Wala po tayong dalang patalim na panghiwa sa tyan!" Sabi ng kanyang anak.
" Anak, dila ang gagamitin natin!" Wala ng kutsilyo!" Sabi pa nito naiirita na sa kanyang anak.
" Nay, madilim po. Flashlight nay!" Sabi pa ng kanyang anak habang tinitignan ang butas ng bubong.
" Nak, sundin mo na lang ako!" Sabi pa nito.
Kaya sya na lang ang nauna sa pagpahaba ng kanyang dila.
" Ahhhhhan!" Mahinang ungol nito na kumakapa pa ang kanyang dila.
" A- anak , ma sebo ang pa-pagkain natin!" Sabi pa ng kanyang Nanay.
" Nakuha nyo na po na" tanong ng kanyang anak.
" Oo, anak!, Kaso ma sebo at ibang lasa!" Wika ng kanyang Nanay.
" Ikaw naman. Anak " Sabi ng kanyang Nanay.
Nang magpapalitan na sana sila ng kanyang anak ay may narinig silang sigaw sa loob ng Bahay.
" Mario, Mario.. Diosko ko!.. Mister ko!" Sigaw sa loob.
Nang mabuksan ang ilaw ay nakita nila na ang kanilang kinain ay ang mister ng babaeng buntis.
" Nay, mali po ang nakain nyo!" Hindi po iyan ang target natin!" Mahinang sabi ng anak.
" Tulong!, Tulungan nyo po kami. May Aswang, Tulong!... Sigaw ng babae.
Maya-maya ay nakikita nilang may mga taong lumalabas sa kani- kanilang bahay at nagsilapit sa Bahay ng babaeng buntis.
" Anak, umalis na tayo dito!" Wika ng kanyang Ina na nagmamadaling lumipad.
Kaya sumunod ang anak sa kanyang Nanay.
" Nay!" Uuwi na po ba tayo!" Tanong ng kanyang anak.
" Di pa, anak! Maghahanap pa tayo!" Wika ng kanyang Ina at pumunta sa sapa.
Na malapit lang sa kanilang nabiktima.
"Dito tayo mag- aabang kung may tao na dadaan dito." Sabi ng kanyang Ina.
Nag hintay sila ng ilang minuto pero walang dumaan kaya nagpalipat sila ng pwesto.
Ngunit wala parin kaya.
Nang may nakita silang lalaki na naglalakad at may hinihilang baka.
" Anak iyan ang ating bibiktimahin" Sabi ng kanyang Nanay na e-excited na parang napakalaking baboy ang kanilang huhulihin.
Nang lilipad na sana sila para atakihin ang lalaki ngunit may naramdaman silang kakaiba sa kanilang katawan.
Parang nasusunog ang kanilang katawan na di nila maintindihan kaya bumalik sila sa kanilang pinag- iwanan ng kanilang pang-ibabang katawan.
Nakita nila na may umusok at bumubula- bula na nagmumula sa kanilang katawan.
Iyun pala ay nilagyan na ng asin ang kanilang pang-ibabang katawan ng Isang lalaki na nakakita sa kanila na maging manananggal.
At hinintay na umalis ang mag-ina at umuwi ito sa kanila at kumuha ng asin para sabuyan ang pang-ibabang bahagi ng kanilang katawan.
Nagwawala na si Aling Soling ng makita nya na unti-unting na susunog ang kanilang katawan.
At hindi nila namalayan mag-uumaga na kaya nag-sisigaw silang dalawa.
" Nay!" Mainit. Masusunog tayo!" Ma su- sunburn tayo!" Sigaw ni Agatha.
" Nak, di lang tayo ma su- sunburn. Ma mamatay tayo!.. " Sigaw ni Aling Soling.
"Ahhhhaah!..." Sigaw ng mag-ina at unti-unting nasusunog ang kanilang katawan dahil sa sikat ng araw. At naging abo ang buong katawan ng mag-Inang manananggal.
The end.
Written by DawnS.P