Gabriel POV Isinugod agad sa malapit na pagamutan ang ama ni Lisa ngunit sa kasamaang palad dead on arrival na ito sa hospital. Nagka trauma si Lisa sa nangyari at naging tulala ito,palaging umiiyak at hindi makakausap,alam kong sinisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng ama niya. Pgkatapos ng libing ng kanyang ama napagpasyahan kong kausapin ng masinsinan ang kanyang ina at hiningi ko ang kustodya ng aking mag ina. Sinabi ko ang katotohanan at inako ko ang aking responsibilidad sa kanila,Matagal bago ko nakumbinsi ito,pabalik-balik ako sa kanilang lugar upang masiguro ko ang kanilang kalagayan. Ganon pa rin si Lisa palaging umiiyak at wala sa sarili,napabayaan na din niya si Junior at nag aalala ako baka makunan siya,Hanggang sa nakumbinsi ko na ulit ang kanyang ina at isinama k

