"Letizia hindi ka pa ba tapos dyan sa ginagawa mo,kanina ka pa dyan bilisan mo at ng makakain na" tawag sa akin ni Manang Pura ang mayordoma dito sa mansion Fuego. Halos isang buwan pa lang mula ng dumating ako dito sa mansion,galing akong probinsya at nakikipagsapalaran dito sa Maynila,isinama ako ng kapitbahay namin naghahanap daw ng isa pang katulong ang pamilya Fuego kaya ako ang ipinasok ng kapitbahay namin. Mabait si Señora Lisa,ang amo kong babae ngunit istrikto ang kanyang asawang si Señor Gabriel lalo na sa kanyang mga anak na lalaki,spoiled sa kanya ang babae si señorita Lalisa pero palangiti naman ito sa akin. una kong nakagaanan ng loob ang bunsong lalaki si Samuel,napakamagalang nito at siya din ang madalas kumakausap sa akin,nag aaral ito sa ibang bansa kaya madalang laman

