"Lisa salamat naman at nagkamalay ka na,buti na lang talaga hinatid ko si Junior dito kagabi nakita ko kasi na maliwanag na ang bahay ninyo,hindi rin makatulog yung anak mo kaya hinatid ko na,at naabutan kita na walang malay" pag aalala ng kapitbahay namin. " salamat po sa pg alaga kagabi ky Junior Manang" walang gana kong sambit sa kanya. " oh heto Lisa pinagluto kita ng mainit na sopas sige na kainin mo na habang mainit pa pra mainitan ang tyan mo,naku nasaan na ba ang asawa mo bakit hanggang ngayon hindi pa din umuuwi eh maaga na". mahabang saad niya,hindi ko na lang siya sinagot bagkos nagpasalamat nlng ako sa kabutihang asal niya sa aming mag ina. " oh siya Lisa uuwi na ako mag ingat ka at namumutla ka yata magpatingin ka sa doctor kung may oras ka" paalala niya bago siya nagpaalam

