“You look so dirty na…” punas ko sa lipstick mula sa kamay ni Cielo. Ngunit nang itaas ko ang aking tingin mula sa kaniyang mukha ay natawa ako. Meron din kasi siyang lipstick sa labi. “Akin na… clean na kita-” Hindi koi yon natapos nang dampian niya ang labi ko na aking ikinagulat. Pinanlakihan ko siya ng mata na animo’y ako ay gulat na gulat sa kaniyang ginawa. Nasa kwarto na kami mula sa hotel. Pero this time ay naroon ako sa kwarto niya. Alam kong nag-aayos na si Vicky ng gamit ko roon kaya hindi naman kami pwedeng dalawa ni Cielo. “Uy!” sigaw ko sa kaniya na nahihiya pa. Siya naman itong walang reaksyon ang mukha kung tignan ako. “What?” Takang tanong niya pa sa akin at agad na itinaas ang kaniyang dalawang kilay na lagi nitong ginagawa. Pinaupo ko siya kaniyang kama at kinuha pa

