Pinikit ko ang aking mga mata nang mapagtanto ko kung ano ang nasa aking isipan. Hindi iyon nararapat pero may kung ano sa akin ang hindi makapagpigil. “Where are we going?” tanong ko nang nasunod lamang ako sa kaniya makalabas ng resto. “Home?” sagot niya rin sa akin nang hindi ako nililingon. Ako naman itong lumapit sa kaniyang gawi at tila nakatingala pa para makita lamang ang kaniyang mukha. “You’re taking me home, right?” Kagat-kagat ko pa ang aking labi na itanong iyon sa kaniya, dahil baka isipin niyang gusto kong dumaan sa kanila pumunta. “Yes,” ngunit nang isagot niya iyon sa akin ay natahimik ako. Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? Ang umuwi sa hotel? Malakas ang aking pagsinghap at umiwas ng tingin. “Are you expecting something? Ayaw mo ba umuwi?” Umangat ang aking tingi

