NAKARAAN 2

1776 Words
***XALENE's POV*** I've never shared a kiss until this moment, kaya naman ibinigay ko nang buong-buo ang sarili ko sa halikan namin, dahilan para mabilis akong nadarang. Bigla ay nabuhay ang pagkab*bae kong kay tagal na nakahimlay. Kung aangkinin nga siguro ako ngayon ng lalaking kahalikan ko ngayon ay malamang walang pagdadalawang isip na papayag ako. Wala akong pakialam kung sa gilid pa ng kalsada ako mapapasigaw o mapapaungol ng, "Faster! Harder!!" "Wait!" Mabuti na lang at ang lalaki mismo ang nagawang magkontrol sa kanyang sarili. Hingal na hingal niya akong itinulak. "Bakit? Ayaw mo ba ng virgin? Iyong pinsan ko nga halos mabaliw na maangkin lang ako," namumungay ang mga mata kong tanong. "Lasing ka," aniya. Umiling-iling ako. "Para sabihin ko sa 'yo, lasing man ako o hindi, matino man ang isip ko o hindi, nahihilo man ako o hindi ay maghahanap pa rin ako ng lalaking aangkin sa pesting virginity na ito. Mas gusto ko pa na ibang tao o hindi ko kilalang lalaki ang makakauna sa katawan kong ito kaysa ma-rape ako ng adik kong pinsan. Oras na magtagumpay siya ay siguradong magpapakamatay rin naman ako. Hayup siya. Hindi na siya nahiya sa tatay ko na kumupkop sa kanya. Walang utang na loob para gawin 'to sa akin. Ang nanay ko naman nagbubulagbulagan. Kesyo binibigyan siya ng malaking pera ng ugok na 'yon kapag nakabenta ng drugs ay siya na ang pinaniwalaan imbes na ako na kanyang anak. Ako pa ang nagiging sinungaling kapag nagsusumbong ako," at saka puno ng sama ng loob na litanya ko. Nag-init pa ang mga mata ko sa nagbadyang mga luha ko. Dinaan ko lamang sa pagkukurap-kurap upang hindi mga tumulo. Hinding-hindi ko pag-aaksayaan ng luha ang ugok na 'yon. Napakunot ang noo ng lalaki. "Pero hindi ba dapat ay sa boyfriend mo ibinibigay 'yan?" Ang lakas nang naging tawa ko. Pagkuwa'y itinuro ko ang facelak kong napakaganda at napakakinis. "Tingin mo may nagkagusto sa pagmumukhang ito? Tingin mo may boyfriend ako ngayon?" Kahit isang salita'y walang lumabas sa kanyang bibig. Natameme yata sa sobrang ganda ko. "Kung ayaw mo ng virgin dahil ang arte-arte mo ay bahala ka. Maghahanap na lang ako ng iba na papatos sa akin," pagsusungit ko na sabay tayo. Aakalaing simpleng tahong lang ang inaalok ko ng libre. Nababaliw na nga siguro ako. Sumuray akong humakbang paalis. Lalong umakyat sa ulo ko ang alak. Sh*t. Ito rin ang dahilan bakit ayaw ko ng alak, ilang lagok ko pa lang ay lasing na ako agad. Ang eksplenasyon sa akin noon ng mga pinsan ko ay baka alcohol intolerance raw ako. Ibig sabihin, mahina ang katawan ko sa alak. Kahit gapatak lang ang iinumin ko ay katumbas na iyon ng isang baso. "You can't just leave like that! You ignited the fire in me, woman, kaya panindigan mo 'to or else I'll kill you!" Tumayo rin siya at hinila niya ang kamay ko. Napabalik ako at muntik nang masubsob sa matigas na dibdib niya. Then his strong arms went around me, trapping me. And once more, I tasted his sweet, devouring kiss. Para akong inilubog sa apoy na nagdulot ng mas matinding pangangailangan bilang babae, at halos hindi ko kayang tikisin. The flesh between my legs clenching in painful need. "You're now my property, habibti," masuyong sabi niya nang pinakawalan niya ang mga labi ko. May ngising malademonyo pa. Siguro kung hindi nahaluan ng alak ang dugo ko, natakot na ako sa klase ng titig at ngisi niya, pero dahil feel na feel ko na ang ganda ko ngayon, syempre kinilig pa ako. Lintik na alak, ginawa akong ma-L. "Ay!" malanding tili ko nang hapitin niya ang balakang ko upang mas magdikit pa ang mga harapan namin. I even gasped when I felt the heavy evidence of his arousal pressing against my abdomen. "Are you really willing to go in bed with me?" tanong niya matapos ang ilang segundong pagtitig niya sa maganda kong mukha. "Oo nga." Itinango-tango ko pa ang ulo ko. Bumuntong-hininga siya. "Kung gano'n ay huwag dito. Come with me, habibti." Napangiti ako at kusang-loob na nagpahila sa kanya. Pero para hindi mawala ang tama ng alak sa utak ko ay dinikmat ko ang isang lata ng beer. Dala-dala ko iyon at panaka-nakang itinutungga habang naglalakad kami. Hindi ko nga lang maiwasan ang sari-saring tanong na pumapasok pa rin sa isip ko kahit dagdag ako nang dagdag ng alak sa katawan ko. Mga tanong na: Seryoso ba akong talaga sa gusto kong mangyari? Parang ang landi ko naman yata? Hindi ko kaya ito pagsisisihan bandang huli? Hindi kaya ako itatakwil nina Leren at Corinne bilang kaibigan oras na malaman nila ang kagagahan kong ito? At sure na ba ako na sa pulubing ito ko ibibigay ang bataan? Ipinilig ko ang ulo ko at pinagalitan ang sarili ko. Backspace. Binura ko ang mga gumugulong katanungan sa isip ko. Hindi na dapat ako nag-aalangan pa. Mabuti nga't papatol pa sa akin ang pulubing ito kahit ang pangit ko. Isa pa'y mas mainam na isang pulubi ang makaka-virgin sa akin para kapag tapos na ay ba-bye na. Hindi ko na siya makikita at lalong wala na akong dadalhing bigat sa dibdib ko habambuhay. Hindi tulad kapag ang pinsan ko mismo ang makaka-virgin sa akin. Iisipin ko pa lang ay parang pinagsasakluban na ako ng langit at lupa. Okay naman ang pulubing ito. Guwapo naman siya. Matikas pa ang pangangatawan. Hindi naman mabaho kahit mukhang madungis. Hindi rin bad breath. Amoy mint nga ang hininga niya, eh. Higit sa lahat Englisero. Oh, di ba? Kakaibang pulubi? "Kung magbago ang isip mo ay sabihin mo lang," bigla-bigla ay salita niya. Sa sobrang preoccupied ng isipan ko, hindi ko namalayan na nakatigil na pala kami. "Hindi na magbabago ang isip ko," may pinal na sagot ko habang lumilinga sa paligid. "Pero teka lang." "Bakit?" "Dito na ba tayo? Bakit nasa harapan tayo ng isang hotel? Mahal dito." "Magkano ba rito?" "Ewan, pero tiyak na mahal dito." "Mauubos ba ang napulot kong one hundred thousand kung sakali sa isang gabi?" Napaisip ako. "Hindi naman siguro dahil hindi naman ito five star hotel. Ang kaso sayang pa rin ang pera mo rito. Puwede naman ako kahit saan." Nahuli ko ang kakaibang ngiti niya. Tinatawanan niya yata ako sa loob-loob niya dahil parang ako pa na hindi pulubi ang walang alam sa ganitong bagay tapos nagkukuripot. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Ang sa akin lang ay bakit pa tayo gagastos kung puwede naman sa kahit anong lugar. Tulad na lang sa bahay niyo sana kung may bahay ka. Kung wala naman, puwede na kahit sa sementeryo o kaya sa ilalim ng tulay." "Walang tulay dito. Overpass lang. At malayo naman ang sementeryo." "Oo nga pala," pahiyang nasabi ko. Syempre alam ko na malayo ang sementeryo, na dalawang sakay pa. Tagarito ako, eh. Napakamot-kamot ako sa ulo ko habang nag-iisip pa ako ng idadahilan bakit hindi kami puwede sa mamahaling lugar na ito. Ayoko talagang maubos niya ang perang napulot niya dahil sa kalandian ko lamang. Tanga na kung tanga, bobo na kung bobo, pero mas pinanghihinayangan ko pa ang pera na iyon kaysa sa virginity ko sa sandaling ito. Paano ko ba naman kasi panghihinayangan ang virginity ko kung simula't sapol ay ito na ang nagpahirap sa akin? Kung noon pa ay takot na takot na ako sa buhay ko dahil lang sa kagustuhan itong angkinin ng adik na Gian na iyon? Na dahil dito ay lumayo tuloy ang loob ko sa pamilya ko at nag-iba ang pagtingin ko sa mga kadugo ko? Masisisi ba ako kung gusto ko na lang mawala ito para maibsan kahit papaano ang matinding takot ko? "Tara? Pasok na tayo. Huwag mo nang isipin ang pera, habibti. Ayos lang." Kumibot-kibot ang mga labi ko. "Sige na nga, pero bakit ka ba my habibi nang habibti? Ano ba 'yon? Mukha ba akong kabibe?" Natawa siya konti. "Habibi is an Arabic word that literally means 'my love'. Sorry kung nalito ka." Unti-unti ay umawang ang mga labi ko. Iyon pala 'yon. Kakilig naman pala. Akala ko kasi mukha na akong kabibe dahil sa mga pimples ko. Upakan ko na sana siya, eh. "Pasok na tayo?" Bumalik ang ngiti sa labi ko na tumango bilang pagpayag. "Ang tanong papapasukin ka kaya sa ganyang hitsura mo?" Tiningnan niya ang sarili. "Ayos lang 'to. Sabihin ko na lang na nasiraan tayo ng sasakyan at inayos ko kaya nadungisan ako." "Ay pak, puwede!" Nakipag-high five ako sa kanya sa katalinuhan niya. "Puwede ka nang maging writer. Ang galing mong mag-isip ng ideya. I like you na." Oh, ha English, 'yon! Nakakalokong tawa ang pinakawalan niya. "Sige, ganito na lang. Ako muna ang unang papasok. Senyasan na lang kita kapag nakalusot ako," pagkuwan ay sabi niya. Sumang-ayon ako at sinundan ko na lang siya ng tingin nang lumakad na siya. Nagdasal ako na sana papasukin siya ng dalawang guwardya. Pero himala pa sa himala na imbes na harangan siya ay sinaluduhan pa siya. Napamaang ako. Anyare? Lumapit na siya sa may reception area. Doon nga lang siya medyo natagalan sa pakikipag-usap. Kinabahan ako. Ito rin ang sinasabi ko kaya hindi kami puwede rito. Mapamata ang mga tao sa ganitong lugar na pangmayaman. Kapag hindi ka kilala at kapag mukha kang dukha, bawal kang pumasok. Pasimpleng tinungga ko ang lata ng beer para pakalmahin ang sarili ko. Itinatago ko sa tuwalyang nakabalabal sa aking mga balikat hanggang dibdib. Wagas kasi makatingin sa akin ang dalawang guwardya sa entrance. Feeling ko nga parang may gusto silang sabihin sa akin. "Let's go," mayamaya ay balik sa akin ng lalaki. "Nakalusot ka?" "Oo naman. Ako pa ba?" pagyayabang niya. Napangiti naman ako. Saludo na talaga ako sa kanya. Lakas. Well, pulubi nga kasi. Syempre sanay na siyang sinisita kaya alam na niya ang lahat ng klase ng palusot. Nagpatianod ako at nagsimula na kaming maglakad nang yakagin niya ako papasok sa hotel. Dumaan kami sa lobby at sumakay sa elevator. Iyong huling laman ng beer na lihim ko pa ring dala-dala, sinimot ko na sa loob ng elevator. Tumingin siya sa akin pero wala siyang sinabi. Ngumiti lang. Naunawaan niya malamang na nagpapalakas lang ako ng loob at dinadaan ko sa alak. "Huwag mo akong ngitian at baka lalo akong nerbyosin," saway ko sa kanya. Tumikhim siya't nag-iwas ng tingin. Hanggang sa tumigil na sa pag-andar ng elevator. Bumukas ang pinto at nanguna ulit siya sa paglabas at paglakad. At kung kailan nasa tapat na kami ng pinto ng Room 424 ay saka pa binayo ang dibdib ko ng napakatinding kaba. Nakailang lunok ako ng laway. Ano? Game na ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD