Chapter Four

1059 Words
Five years ago... Sarah Weeks have passed and 3rd quarter of the school year has started. All of us have become busy with school works and projects as we have to meet the deadline. Sabi nga ni Sir Lopez, matuto na kaming maging responsable dahil at the end of the day, walang ibang tutulong sa amin kundi ang mga sarili namin. Hindi daw lahat ng pagkakataon totoo ang mga kaibigan namin na bukal sa loob ang pagtulong. That last advise alone made me think. Bakit naman ata parang may hugot si Sir? Or is it just an advise to everyone not to be too trusting of others? Recently, bihira na din kami makapagsleep over ni Nath sa bahay ng isa't isa. We have really been busy with growing up and meeting deadlines so we barely spend time together. Even during breaktime. According to her, she needs to start socializing with others para naman daw pagdating ng college ay hindi sya mahirapan makitungo sa iba. Which I supported her decision. So lately, I have been seeing her mingling and spending time with Cass' group or with Klaus'. As for me, I either eat alone or spend time at the corridor or library. I have time to catch up on sleep kapag wala pa sila teacher sa klase kasi talagang umiidlip ako sa upuan ko. Until one day, I met Billy Walsh when I was eating alone at the canteen. He's a year older than me and I discovered that he and Kuya Nathan are classmates and bestfriends. Papaano sya nagawi sa school namin ni Nath? According to him, he was looking for his cousin who was a Third Year Highschool student here. And her name is Bernadette Willis. Eventually, I met her and we became friends too. Pareho pala kaming past time ang magbasa ng libro at kumain kaya napagpasyahan naming sabay maglunch tuwing Martes at Biyernes. Nagpalitan na din kami ng cellphone numbers at social media accounts para madaling makapag-usap. "Hey, Sarah! Birthday ko nga pala bago mag-quarterly exams, kung pwede ka ng araw na iyon, punta ka ha? Lima lang naman kayong imbitado ko. Karamihan ay mga kamag-anak namin ni Kuya Billy." Bernadette pleaded when we have our lunch together. "I'm not sure pero susubukan ko. Hindi kasi ako papayagan ni Mama kapag ako lang mag-isa. Pwede ko ba isama si Nathalie? Yung bestfriend ko?" Nahihiyang sabi ko. Unang beses ko pa lang kasing maimbitahan na ako lang mag-isa. Hindi din kasi ako confident na umattend sa mga party dahil feeling ko ma-out of place ako. Lalo pa at hindi ko kasama si Nath. "Papakilala kita kila Lucy, Trina, Missy at Julie sa susunod na lunch naten sa Martes. Nasa groupmates lang sila ngayon kaya hindi ko mahatak. Hindi kasi nakikipagcooperate ang mga kaklase namin." Buntung-hininga ni Bernadette. Agad nyang isinubo ang kanin na kanina nya pa pinaglalaruan. Sinunod nya ang pagtusok at paghimay ng chicken wings at tinuloy ang pagkain. "Ganoon talaga. Hindi lahat madaling kausap lalo na at alam nilang may aasahan silang iba sa grupo." Sabi ko na nangingiti sa kanya. Sumipsip muna ako sa Zesto ko bago ako kumain uli habang nagkwekwentuhan kami. "Pero, ipangako mo na pupunta ka ha? Andoon din si Kuya Billy. Hindi ka din nya pababayaan don." Pangungulit pa ni Bernadette. "Oo na. Sige na." Napatango ako para lang makampante na sya na dadalo ako sa kaarawan niya. "Oo nga pala. Baka may dress code ka sa party mo. Hindi kasi ako mahilig sa mga mini-skirt at sleeveless na mga damit. Pakiramdam ko, makikita na kaluluwa ko. Meron nga ba?" Tanong ko at tiningnan sya sa mata na syang ikinatawa nya. "Ate! Hahaha! Anong dress code ka dyan! Hindi naman yun debut! Magkikinse anyos pa lang ako!" Natatawang banggit pa ni Bernadette na siyang ikinatuwa ko. "Mabuti naman. Akala ko kailangan ko pang mag-ayos ng bongga para sa kaarawan mo." I said smiling. "Just wear whatever you are comfortable with, Ate. Kainan at kwentuhan lang naman iyon." Nangingiting sagot ni Bernadette sa akin. "Food trip din yun, papalag ka pa?" It was now my turn to laugh at her remark. "Haha! You just said the password! You bet, I will definitely come! Kahit magmukha akong PG doon!" I exclaimed and we both giggled until I saw Billy approaching our table. Agad siyang tumabi at ginitgit si Bernadette sa pwesto nya na syang ikinairita nito. "Kuyaaa! Wag ka nga dito! Girls' talk to!" Bernadette exclaimed which Billy ignored. "Sa tabi ka na lang ni Ate Sarah! Ganda na ng pwesto ko ee!" Billy laughed and I moved to my right to give him space to sit down. "At ano na namang ginagawa mo dito? Wala ka bang klase sa uni? Susumbong kita kay Tita! Nagka-cutting ka na naman!" Pagbabanta pa ni Bernadette kay Billy. "Hoy! Half day lang ang schedule ko ngayon, no! Naghahanap lang ako ng pwedeng inisin kaya naisipan kong puntahan ka!" Pagdedepensa pa niya sa sarili nya sabay kuha ng fries ni Bernadette na nasa table namin. Tinapik agad ng huli ang kamay nito na syang pinandilatan pa. "Ang damot. Anong oras matatapos klase mo? Sabay ba kita pauwi?" Tanong ni Billy at tinapos ko na ang pagkain ko. "Mamaya pa akong alas-dos. May 2 subjects pa ako kila Ma'am Domingo at Sir Salazar. Ikaw, kung gusto mong maghintay?" Pagpapa-cute pa ni Bernadette sa Kuya nya. "Bansot. Pangit mong magpa-cute. Sige. Tatambay na lang ako sa coffee shop mamaya. Magtext ka ha!" Pag-uulit pa ni Billy. "So, bakit ka nga nandito, Kuya?" May himig ng pang-aasar sa tono ni Bernadette na syang ikinatawa ko. "Gusto mo lang makita si Ate Sarah, no?" Napansin ko ang pamumula ng tenga ni Billy at syang ikina-init ng kapaligiran. Bakit ba parang ina-abangan ko pa ang sagot niya? Eksakto namang tumunog na ang bell hudyat ng pagsisimula ng klase sa hapon. Agad kaming nagtayuan sa upuan dito sa canteen at nagmamadaling kinuha ang mga gamit. "Nakaligtas ka, Kuya, ha! Bye! Alis na kami! Text kita mamaya!" Pang-iinis pa uli ni Bernadette sabay hatak sa akin. "Mag-aral ka, bansot! Bye, Sarah!" Nangingiting banggit ni Billy na siyang sinagot ko ng ngiti. Nakarating ako sa upuan ko dala pa din ang nakita kong reaksyon ni Billy. Bakit ba ako kinikilig? ✉✉✉ ? Start na nga ba ng love story nila? ? Abangan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD