Five Years Ago...
Sarah
"Ano ba naman yan! Anong petsa na, wala pa din?" Inis na bulyaw ko habang nakatuon ang atensyon sa laptop ko.
"Tigilan mo muna kasi yan! Lalo ka lang mapapraning kung hindi mo tatantanan yang laptop na yan." napailing na sagot ni Nathalie sa akin. Humikab pa siya at nag-inat bago tamad na niyuko ang ulo sa ibabaw ng study table nya sa kwarto niya.
Andito kami ngayon sa kanyang bahay dahil nakasanayan na naming magsleep-over sa bahay ng isa't isa tuwing matatapos ang unit test kada isang quarter. At ngayon nga ay katatapos lang ng 2nd Quarter Unit Tests.
Kapwa kaming nasa huling taon na ng High School sa St. Bernard's Academy at magkaklase pa simula pagkabata namin. Sa aming dalawa, si Nathalie ang mas matalino, mas maganda at mas kinagigiliwan ng lahat. At kahit ako ay sang-ayon doon.
Madalas pa nga nila akong tawagin na sidekick nya pero hindi iyon big deal sa akin. Alam ko namang sinisiraan lang nila ang pagkakaibigan namin.
Kaya ko naman sya naging kaibigan ay dahil matagal nang magkaibigan ang mga magulang namin. Si Mama na isang Accounting student noon at nagshift sa Psychology kung saan niya nakilala si Tita Jansen. At sabi nga nila, 'the rest is history'.
Nagpakawala pa ako ng isang malalim ba buntong-hininga at sumilip sa laptop ko nang isinara ni Nathalie iyon sabay tingin sa akin ng pailalim.
"Bukas pa lalabas ang resulta sa Science, Princess Sarah." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumipat dito sa malaking kama nya. Kinuha nya agad ang remote ng kaniyang flat-screen tv at nilipat agad ito sa Netflix.
"Ha? Eh sabi ni Ma'am Arms ngayong gabi daw ah?" Kunot-noo kong tanong sa kanya at hiniga ang likod sa kama habang dismayadong tumingin sa kisame nya na may mga design pang mga bituin.
Mag-aalas nuwebe na ng gabi at katatapos lang namin maghapunan. Pero pakiramdam ko lalo lang akong nagutom sa nalaman ko.
Eksakto namang nagbato ng pagkain si Nath.
Napangiti ako at binuksan ang paborito naming Tempura. Tahimik naming pinapanood ang mga bidang sila Lee Jong Suk at Park Shin-Hye sa series nila na Pinocchio.
Kasabay ng panonood namin ay ang maya't mayang impit na tili ni Nath kay LJS. Kahit ako ay kinikilig kag LJS. Sino ba namang hindi? Bukod sa napakatangkad nya na ay andoon ang kanyang maamong ngiti at ang singkit na mga matang tila ba nangungusap na wag syang sasaktan.
Inabot kami ng pasado ala-una ng umaga para sa apat na episodes nito. Sa susunod na linggo ulit ang continuation dahil bukod sa panonood ng Korean dramas, pangalawa sa paborito naming bonding ang pagshashopping.
Hindi mayaman ang mga magulang ko pero sapat lang para kahit minsan ay i-pamper ko daw ang sarili ko kapag may gusto akong bilhin. Sa huling check ko sa mga kailangan ko para sa isa sa mga hobbies ko na pagpipinta ay kakailanganin ko ng mas manipis na paintbrush para sa isang artwork na gusto kong ipinta.
Nagising kami ng alas-nuwebe kinabukasan at sabay na nag-agahan kasama sila Tita Jansen at ang kuya nyang si Nathaniel. Nasa kolehiyo na ito at ang kanyang kursong kinukuha ay Tourism sa Stradwill University.
"Uy, andito na naman ang border nating si Princess Sarah!" Pang-aasar pa sa akin ni Kuya Nathan habang ngumunguya ng ulam sa harap ko.
"Nathan." Pinandilatan pa nga siya ni Tita Jansen habang kumukuha ng kanin sa platong nasa harapan namin. Humarap pa ito sa akin at ngumiti, "hayaan mo lang si Nathan, hija. Mukhang nireregla na naman yata."
Tinawanan na lang namin sya ni Nath habang inikot ang kanyang mga mata at tahimik na tinapos ang pagkain.
"Ano pala plano ninyong dalawa ngayong araw?" Tanong ni Tita Jansen bago kami matapos sa almusal.
"Magmomall lang po kami, Ma. May kailangan kaming mga gamit para sa Broad Journ namin. Mga 11 po kami aalis. Sa labas na din kami maglalunch." Sagot ni Nath at agad na lumagok ng tubig.
"Okay. Do you need more money?" Tanong pa ni Tita Jansen pero umiling si Nath sa kanya bilang tugon dito.
"May ipon pa po ako, Ma. Hihingi na lang ako sa inyo kapag kailangan ko na." Sabi ni Nath at napangiti na lang si Tita Jansen.
'Di ba? Sinong hindi hahanga sa kabaitan ni Nath? Maganda na ang bestfriend ko, mabait pa!
"Hay nako! Style mo, Sis! Lokbu!" Pangungutya pa ni Kuya Nath at tumayo na.
"Ikaw, Nathan, saan naman ang lakad mo ngayon?" Tita Jansen asked and he answered truthfully, "Basketball lang kami ng mga kaibigan ko sa kabilang uni, Ma. Sina Billy, Amiel at Liam ang mga kasama ko. Gotta go shower, Ma!"
Mabilis na tumakbo naman si Kuya Nath paakyat sa kwarto nya.
"Tingnan mo itong si Kuya! Siya ang naka-duty ngayon sa paghuhugas ng pinggan eh!" Reklamo pa ni Nath at natawa na lang kami ni Tita.
"Ako na ang gagawa, Bff." Sabi ko at sabay-sabay na kami tumayo.
Gulat na tiningnan ako ni Tita at magsasalita pa si Nath na agad kong pinutol bago pa man sya magsimula, "Ako na po ang bahala dito, Tita and Bff. Mabilis naman ako maligo kaya mauna ka na, Bff."
"Sure ka, Bff?" Tanong pa ni Nath at tinanguan ko sya. Niyakap nya pa ako at hinalikan sa pisngi, "thank you, bff! Love you! Magshower na ako ha!" Katulad ng kuya nya, tumakbo din sya paakyat sa kwarto nya.
"I'll go ahead, Sarah. May tatapusin pa ako sa study room. Thank you, hija." Sabi ni Tita at nginitian ko na lamang sya bago ako nagsimulang maghugas ng mga pinagkainan.
Habang nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas, hindi ko namalayang nakababa na pala si Kuya Nath na nakataas ang kilay.
"That bitch..." mahinang sabi nya na hindi ko maintindihan dahil nasa mahigit isang metro ang layo namin sa isa't isa.
"May sinasabi ka, kuya?" Tanong ko habang nilalagay sa dishwasher ang mga platong nahugasan.
"I cannot believe na hanggang ngayon, alila pa din ang tingin niya sa iyo. Seriously, Sarah? Are you that naive?" Komento nya habang hawak ang bola ng basketball sa kaliwang braso nya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya at agad na naghugas ng mga kamay bago sya harapin.
"Kung ano man ang sinasabi mo, Kuya, wala akong maintindihan. Care to explain?" Tanong ko at pinamewangan din sya.
Magsasalita pa sana sya ng marinig namin ang maingay na sigaw ni Nath.
"Saraaaaah!" Sigaw nya at ako naman ay naglakad na papunta sa hagdanan kung nasaan si Kuya.
"Unbelievable." Iling pa nya bago nya ako iwanan palabas ng bahay.
Pinagsawalang-bahala ko na lang iyon at tumungo na papunta sa kwarto kung nasaan si Nath.
✉✉✉
So, this is the start of Sarah & Nath's friendship...
Thoughts?
Totoo nga kaya ang mga sinasabi ni Kuya Nathan? ???