Pagdating namin sa Bar ay palinga linga ako, baka kasi mamaya andito si Matt syempre nakakailang naman kung nagpunta ako dito kasi broken hearted ako tapos susulpot si Matt diba? Kahit na sakaniya pa tong bar. "Anyways, kanina ko pa napapansin yang necklace mo.. bago?" Tanong ni Leandra sakin. "Huh? A-ah e-eto ano.. o-oo n-nabili ko, oo." Palusot ko. "Kilala kita, hilain ko dila mo ng dumaretsyo pananalita mo e." Pagsusungit nito. "So san nga galing? Mukhang mamahalin ah?" Panguusisa nito. "M-may nagbigay b-birthday present.." saad ko. "Ahh ganon ba." Saad naman nito. wow parang di narinig na birthday? Ni hindi man ako ginreet kahapon tsk! May iba na kasing pinagkakaabalahan! Nakasimangot akong sumunod sa paglalakad, maya maya pa ay papasok kami sa tahimik na parte ng lugar.. wait

