Kabanata 28 "Flowers" "It looks like official. He posted on his f*******:. He doesn't post his flings or FuBus sa socmed, eh. Girlfriend na nga 'yon ni Illiad," Khloe said while having this hand gestures in the air. Umakyat sa ilong ko ang iniinom na juice, agad ang pag-ubo ko at dama ang sakit sa ilong. Agad kong naibaba ang baso to clutch my chest. "Oh my goodness! Bakit ka naman biglang nasasamid d'yan, Rowin?!" "Are you okay?" tanong ni Dale. Hindi ko alam why our topic—out of nowhere—shifted to Illiad. Magkasama kaming tatlo para pag-usapan ang nangyari noong uminom kami at nalasing. Dale apologized. Lasing na lasing daw siya at instinct na tawagan ang manloloko niyang ex kapag gano'n. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. I hastily wiped the spilled drink on my chest.

