CHAPTER TWO

1195 Words
Sunny Bloom I sighed. This is your life now Sunny. Wala na talagang uwian 'to. And I just rolled my eyes and walked where that man is while the maid leading the way. Maganda ang loob bawat bahagi ay makabago, ang detalye ng disenyo ng interior halatang pinagisipan ng mabuti. Ang mga gamit moderno rin. Habang naglalakad ako at tinatahak ang pasilyo wala rin tigil sa paglibot ang mata ko sa paligid. Hanggang narating na namin ang salas. Natigilan ako nang madatnan ang isang lalaki, pero nakatalikod ito sa direksyon namin at nakaharap sa malaking bintana. Wari kong may hawak siyang inumin. Pero ang una ko talagang napansin ay ang malapad nitong katawan... He has broad shoulders, and has well defined built. Not a bulky but fit and masculine. Halatang hindi siya pabaya, pero hindi ko makita ang mukha niya kasi nakatalikod nga. "Sir Victor, nandito na po si Señorita," imporma ng kasambahay dito at yumuko. "You may leave us," he said in dismissal and his voice sends me goosebumps na parang gusto kong takbuhin ang labas ng pintuan. Anong boses iyon? Sobrang... Napatikhim ako kasabay ng pag-lunok. Mahinahon naman ang boses niya pero ito iyung tipo ng taong boses pa lang ay alam mo nang hindi ka uubra kapag sira ulo ka. Ganoon ang palagay at pakiramdam ko, sorry for my term but he's scary as sh*t. This man in front of me has something, presensya pa lang nambabalya na kaya ang mga paa ko kusang napahakbang paatras. "Don't you dare step out your foot from this place... brat," he said in his deep but tough voice and it's more like a warning that gave me chills hanggang spinal cord. Nanlaki ang mata ko sa gulat. How did he know I made a foot step? Ano siya, sobra sa lima ang senses? At bakit naman brat ang tawag sa akin, may pangalan ako. I'm Sunny Bloom at sigurado namang alam niya. At bago pa ako makapagsalita'y unti-unti... ganap na niya akong... hinarap. My lips parted seeing his face... and suddenly some memories from past about him came in my head. Ganitong-ganito rin ang mukha niyang natatandaan ko 10 years ago, is he a vampire? Bakit halos hindi naman tumanda? At ang mga mata niya, ganoon pa rin kung tumingin, nadagdagan pa nga dahil para siyang mangangain kung tingnan niya ako. Kaya napaatras ako ulit nang wala sa loob ko, hindi ko mawari kung takot ba ito, kasi gusto kong takbuhin ang pinto! Tumaas naman ang isa niyang kilay sa akin nang makita niya ang reaksyon ko nang makita ko ang mukha niya. May hawak nga siyang baso pero ang laman ay alak. It's almost lunch, but... why the heck is he drinking? Muli naman akong napalunok dahil nangibabaw rin sa akin ang pagkailang. "A-Ano..." Nag-likot ang mga mata ko, ipinagdaop ang dalawang kamay sa sobrang nerbyos ko pero hindi naman ako tumakbo dahil nanigas na ako rito sa kinatatayuan ko. Kabado ko siyang natawag para sana batiin ng pormal pero natigilan din ako nang itama niya. "Uncle Victor—" "Uncle Daddy." Hindi ko agad naintindihan, mabagal na rumehistro sa akin ang gusto niyang itawag ko sa kanya hanggang sa unti-unti napagtanto ko kaya nawindang ako. Gusto niya tawagin ko siyang... Daddy? Nanlaki ang mata ko, he preferred me to call him Uncle with 'Daddy' instead na Uncle lang. Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong kaba ko at takot ko sa kanya gayon wala pa naman siyang ginagawa? Boses pa lang niya bigla akong naging dahon ng makahiya, tumiklop agad lalo na nang inulit pa niya. "I want you to call me Uncle Daddy... because from now on... I will be your guardian for the whole rest of the year. So now..." He took a step forward. Napalunok naman ako ulit at siyang atras ko rin ulit. Bakit ka ba umaatras Sunny?? Paano naman kasing hindi, parang nagbibigay signal ang utak ko na hindi ako safe dito sa bahay na ito at sa taong ito kaya kusang nakilos ang katawan ko... Parang delikado ako... his eyes are too tense for me, he has this intense look the way he stares at me. Napangisi siya na ikihigit ng paghinga ko. What's with his smile? B-Bakit ang lala ng kaba ko lalo? "Why are you keeping on stepping back and keeping our distance?" he asked in his calm tone but his eyes seemed like he enjoyed seeing me afraid. Keeping our... distance? Hearing it, it tells me something. Pero kahit ako iyan din ang tanong ko kung bakit ba ako atras nang atras... Hindi ako dapat natatakot kasi kaibigan lang naman siya ng Papa ko, siguro mali lang ako ng iniisip tungkol sa kanya. Dala lang siguro ng labis na pagka-ayaw kong tumira sa ibang bahay, baka nga ay naninibago lang ako. Umayos ako ng tayo sinikap ang pagka-ilang na dulot niya. "H-Hindi naman po... Uncle... medyo ano..." Napahawak ako sa batok ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang titig niya. Nanliliit ako, pakiramdam ko kayang-kaya niya akong pisain, mata pa lang. "N-Naninibago lang po ako kasi ang tagal na rin noong huli ko kayong— "I'm glad you still remember me." Unti-unti ibinalik ko rin ang tinging ko sa kanya. Hindi naman siya nakangiti, hindi rin siya sobrang seryoso... Paano ko naman magagawang makalimutan ang mukha niyang kay gwapo at ang mga mata niyang likas na nangungusap? Kumbaga sa alitaptap, kumukuti-kutitap. At makita siya ngayon na halos walang pinagbago matapos ng isang dekada talagang namang kahanga-hanga. Na-curious ako sa mga routine niya. "S-Syempre po! Hindi ko kayo... nakakalimutan," tugon ko sa malakas na boses hanggang sa naging pabulong sa huli na pagak niyang ikinatawa kaya nabigla na naman ako. Iyung tawa niya, ang sexy... Bumaba ang tingin ko sa suot niya, he's wearing black slacks and a thick long sleeve top but there's no inner cloth, kita ko dahil nakabukas ang buttones hanggang bandang sukmura. Napatitig ako sa dibdib niya nang makitang may tattoo pala siya. Hindi ko agad napansin dahil napa-focus ako sa mga mukha at mata niya kanina... Ang lakas ng dating ng lalaking ito, but at the same time he's still scary, na para bang may dapat akong ikatakot. "Welcome to my house," bigla niyang sinabi kaya napapitlag ako at napukaw sa pagkakatulala sa katawan niya. Pagak siyang natawa. "Looking at your Uncle Daddy like that is inappropriate, I can't give you pleasure that body can give...." Wait—what? Nanlaki ang mata ko sa pagkawindang. What the f*ck is he saying?! Iniisip ba niyang naglalaway ako sa kanya at hanap ko, kama? Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumawa pero walang bakas ng tuwa. "Uncle, I'm not that kind of girl! I'm not looking at you the way you think!" I tried to defend myself but the next thing he said took me by surprise. "Really? But you seem like drooling?" His one eyebrow raised at me like looking at him like that is a c r i m e! And he chuckled. Nanginit naman ng husto ang mukha ko my blood boiled by his eww accusation! Ang dumi niya namang mag-isip? Malisyosong matandang binata!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD