Ako Si Sphincter 3

409 Words
Hindi ako makapagsalita. Barado ang aking lalamunan. Matigas ang pakakadikit ng aking dila sa aking ngala-ngala. “Sosorpresahin sana kita ngayong birthday mo pero it turned out ako ang nasorpresa mo.” Sabi ulit ni Jules na sa semento pa rin sa harapan niya nakatingin habang napako naman ako sa pagkakatindig sa harapan niya. Nang hindi ako umimik nagpatuloy siya. “I worked two shifts for the last two weeks para mabili ko lang iyong gusto mong running shoes at makapaghanda ng kaunti. Dahil akala ko iyon ang gusto mong regalo at mapapasaya kita ngayong birthday mo. Pero iba pala ang gusto mo. For the last three years, ngayon ko din lang na-realize na magkaiba pala tayo ng gusto,” huminga siya ng malalim para makapagpatuloy magsalita habang napaiyak na ako sa ginawa kong pananakit sa kaniya. “I am looking forward in living my life forever with you when all you wanted is another man and worst a casual encounter.” Hindi na niya napigilan ang umiyak. “I’m sorry Babe…” Iyon lang ang nagawa kong sabihin. Gusto ko siyang lapitan at aluin pero alam kong wala akong pwedeng sabihin para mawala ang nararamdaman niya, ang sakit sa ekspresyon ng mukha niya at ang galit sa dibdib niya. Tumayo siya at walang lingon-likod na pumasok sa kusina. Nang sundan ko siya sa loob pagkaraan ng ilang minuto, palabas na siya ng pinto ng bahay, hawak ang kaniyang maleta. “Pwede mo ba akong bigyan ng chance magpaliwanag?” naiiyak kong tanong sa kaniya. Nabalutan ng takot ang puso ko sa tangka niyang pag-alis at iwan akong mag-isa. At last tumingin siya sa akin, mugto ang mga mata at ang galit ay parang mga palasong sunod-sunod na tumusok at bumaon para durugin ang puso ko. “Ano pa ang ipapaliwanag mo na hindi ko alam at hindi ko nakita?” Umiyak na ako at nanghihina ang mga tuhod na lumuhod para magmakaawa. “Please Jules…” Tumalikod siya at binuksan ang pinto. “At least man lang sabihin mo sa akin Jules kung saan ka pupunta?” Umiling siya. “Wala ng saysay iyon kahit malaman mo pa,” tugon niya at diretsong labas ng pinto saka pahampas na isinara. Narinig ko ang sariling malakas na isinisigaw ang pangalan niya. Paulit-ulit sa pagitan ng iyak at hikbi hanggang mapaos na ako at halos mawalan na ng tinig. Shit! I doubted his fidelity. I doubted his love for me. I hurt him. I am the biggest f*****g asshole on earth. I f****d up everything between the two of us and this is what I deserve. WAKAS NEXT SHORT STORY: Janus
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD