Si Aman at Si Edmon 8

1208 Words
Sinimulan ding i-edit ni Edmon ang porn vid naming tatlo pagkaalis ni Brent at kuhanin ang talent fee niya. Balik na naman ako sa nararamdamang pagkainis dahil kahit malalim na ang gabi, tuloy-tuloy pa rin ang pakikipagtext ni Edmon kay Liza. “Hindi pa ba natutulog iyang Ex mo na iyan?” naiinis kong tanong habang nakahiga sa kama. Hinila ko ang kumot hanggang beywang na nagpalitaw sa hubad baro kong katawan. Hindi man lang tumingin sa akin si Edmon. “Nakikipagkulitan pa kasi ang mga bata.” Seriously? Mag-hahatinggabi na gising pa rin mga anak niya? Pero hindi ko isinatinig dahil lately napansin kong nagiging mainitin ang ulo ni Edmon. Umiksi ang pasensiya. Kung iyong dating pagseselos ko sa nagtetext sa kaniya ay nakakatuwa ang dating para sa kaniya, ngayon nagiging big deal na. Kung dati ang cute ng possessive gesture ko, ngayon annoying na. “Matulog ka na kasi at tatapusin ko lang ito.” Ibinaba niya sa tabi ng keyboard ang cellphone at muling tumingin sa monitor ng desktop computer. Nagtakip ako ng mukha at mga ilang minutong nakaidlip. Pagmulat ko nasa harapan pa rin siya ng computer pero Desktop view na ang nasa screen. Mukhang tapos na siya sa editing ng video. May kausap siya pero halos pabulong lang ang usapan kaya hindi ko mawawaan. Kahit anong sabi ko sa sarili kong huwag magpaka-paranoid, kinukutuban ako. Nagkunwari akong tulog pa rin at nang matapos silang mag-usap ng nasa kabilang linya, binitiwan niya ang cellphone sa may sidetable. Pagpasok niya ng banyo, sinamantala ko ang pagkakataon habang hindi pa nago-auto lock ang screen, kinuha ko ang cellphone saka tiningnan ang mga received messages. Shit! Empty. Erased lahat ng messages. Nagpunta ako sa call records pero empty din ang lists. Kung si Liza ang kausap niya at katext niya lately, bakit kailangan niyang mag-erase? Ang bigat ng pakiramdam ko, parang nahihirapan akong huminga. Nang lumabas siya ng banyo at humiga sa tabi ko, nagkunwari pa rin akong tulog. Tumagilid ako at iginalaw ang kanang kamay para ilagay sa kaniyang harapan. Lalo akong nanlumo nang tanggalin niya ang aking kamay saka umisod palayo sa akin. Fuck! Something is really wrong. Pinauna ko siyang matulog at nang magsimula na siyang humilik kinuha ko ulit ang cellphone niya. Dahil parehas naman kami ng unit, pinagpalit ko ang mga sim at battery namin. Drained ang battery ko kaya bukas, matatagalan pa siya bago niya mapapansin ang ginawa ko. Madaling araw na ako nakatulog at paggising ko wala na si Edmon sa kama. Alas-nuwebe na ng umaga at malamang kanina pang alas-otso nasa website office si Edmon para ipasa ang porn video. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at habang pindot ko ang power key, nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Pagkabuhay ng cellphone, sunod-sunod na pumasok ang mga text messages. Hindi ko alam kung galing nga kay Liza dahil numero lang ang nag-register. Napalunok ako ng laway at ramdam ko ang pagbalot ng takot sa aking katawan. Paano kung ang mabasa ko ay umayon sa nasa isip ko? Isa-isa kong binuksan ang mga mensahe at base sa mga unang nabasa ko, hindi si Liza ang sender. Huminga ako ng malalim, pinigilan kong maiyak. Hindi iyon ang kailangan ko sa ngayon. Idinayal ko ang numero ng sender at pagkatapos ng dalawang ring sumagot ang nasa kabilang linya. “Hello, Edmon. Bhe nasaan ka na?” Fuck! s**t! Boses ni Brent ang narinig ko. Napahawak ang kaliwang kamay ko sa aking naninikip na dibdib at pinigilan ang pagbuhos ng galit. Mabilis akong nag-isip ng isasagot. “Nasa loob ng office ni Boss si Edmon, iniwan lang niya itong cellphone niya habang naka-charge. Lalabas din iyon mayamaya. Kasamahan niya ako dito sa office. Pwedeng malaman kung sinong tumatawag?” The man on the other side gave a sigh of relief. “Si Brent ito. Akala ko kung ano ng nangyari sa kaniya, ang dami ko na kasing messages mula kanina hindi siya nagre-reply.” Marunong akong umarte kahit porn video pa lang ang nagawa kong pelikula pero ito na ang pinakamahirap na role na ginawa ko. “Dahil siguro lobat. May usapan ba kayong magkikita?” “Oo, alas-nuwebe kami magkikita at ngayon ang araw na sasama siya sa bahay ko.” Halos manginig na ang kamay ko sa pagpigil sa galit. “Nasabi ka nga niya sa akin pero hindi ba magkapit-bahay lang kayo?” Tumawa ng bahagya si Brent. “Siya lang ang mapilit na tumira ako doon para mapalapit sa kaniya. Madali niyang mapuntahan at maka-s*x dahil dingding lang ang pagitan. Siya ang nagbayad sa apartment na iyon. Ayoko naman doon tumira ng matagal kaya inalok ko na lang siya sa bahay ko tumira.” Arte pa more! “Paano si Aman?” “Sabi niya sa akin kagabi, tatapusin na raw niya ang relasyon nila. ‘The s*x is great,’ iyon ang sabi niya sa akin pero aside from that daw, wala na siyang habol sa ka-live-in niya. Nagkataon naman na mas magaling ako.” Sinundan pa ni Brent ng nakakalokong pagtawa. Fuck! Kahit anong pigil ko, nagsimula ng bumalong ang luha sa aking mga mata. Tangina! Ang sakit sakit. May narinig akong nagsalita sa kabilang linya. “Sinong kausap mo?” boses ni Edmon. Ilang segundo bago nagsalita si Brent pero hindi na ako ang kausap niya. “Akala ko Bhe nasa office ka pa…” “Battery empty ang cellphone ko. Sino iyan?” Call ended. Mga walanghiya sila. Kung pwede lang tumalon at pagbagsak ng mga paa ko nasa gitna na nila ay ginawa ko na. Gusto kong suntukin si Edmon hanggang mabasag ang mukha niya. Isama na rin ang tanginang Brent na iyan sa pakikipagsabwatan sa panloloko sa akin. Pero wala akong magawa kundi ang i-redial ng paulit-ulit ang numero ni Brent kahit pinatay na ang cellphone niya. Tangina talaga. Tangina nila. Tiningnan ko ang natitirang pera sa lagayan at grabe ang panlulumo ko nang wala ng laman ang taguan. Tinangay lahat ni Edmon ang pera. Binuksan ko ang desktop computer, hinanap ang unedited video. Hinanap ko iyong oras na iniwan ko sila para kumuha ng pera. “Ang galing mo Bhe,” nakangiting sabi ni Edmon na umupo sa tabi ni Brent saka binuksan ang zipper nito at inilabas ang sandata. “Pang-award ba ang acting ko?” mala-demonyong tanong ni Brent na binuksan din ang pantalon ni Edmon at pinisil ang matigas na tarugo pagdukot sa brief. “Oo, ayos na ayos. Paniwalang-paniwala si Aman sa iyo.” Hinalikan ni Brent ang labi ni Edmon bago nagsalita. “Hindi ako porn star Bhe. Pinagbigyan lang kita pero first and last na ito. May hawak ba talaga siyang pera?” “Meron at parehas kaming nagtatabi. Nagastos ko na lang iyong sa akin.” “Bakit hindi mo na lang kuhanin?” “Pwede iyon pero kailangan ko rin ang video na ito pandagdag sa pera ko.” Dinilaan ni Brent sa leeg si Edmon paakyat sa baba. “Simula bukas akin ka na.” Hinalikan ni Edmon si Brent. “Matagal na akong iyo-” Pinatay ko na ang video at ramdam kong lalo lang akong nasasaktan sa sinasabi ni Edmon. Kinuha ko ang cellphone saka umupo sa gilid ng kama at idinayal ang numero ng porn site owner. “Hello, Edmon.” I cleared my throat so I can manage to talk. “Si Aman ito Boss.” “Aman, kanina pa nakaalis si Edmon.” Hindi ko na kayang magsalita sa sobrang sikip ng dibdib ko at ayaw ko namang ipaalam sa kausap ko kaya hinintay ko na lang siyang magsalita ulit o pagbabaan ako ng cellphone. “Siyanga pala, kailangan niyo daw ng pera sabi ni Edmon at dahil maganda naman ang ipinasa ninyo, binigay ko na sa kaniya ang kabuuang bayad.” Putangina talaga. Tuluyan na akong lumuha. WAKAS NEXT STORY: Si Brent
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD