Panay ang lingon ni Audrey sa kalsada. Gusto na nyang sumimangot. Ilang araw na nyang di nakikita si Allen. Hindi nga talaga nag papakita sa kanya nag kurimaw na si Allen. Rinig na rinig nya ang bawat salita na binitawan nito sa kanya sa hospital at talagang pinanindigan talaga nito. Hirap na hirap pa naman syang mag panggap na tulog. Nagising kasi sya ng maramdaman na may humalik sa ilong at mata nya. Di nya magawang mag dilat ng mata dahil alam nyang si Allen iyon. Kung alam lang sana nya na meron palang nag video sa kanila ni Allen habang natutulog ito sa balikat nya sa labas ng hospital room nya. Niyakap na sana nya ito. Nag viral ang video nakakataba ng puso ang mga comment may ilang harsh comment pero mas marami ang nakakakilig. Di nya akalain na marami na pala silang followers ni

