AKUMA POV~ Ito naka-upo lang ako dito sa couch sa sala habang nanunuod ng movie. Kumuha na ng dalawang maid si hubby dahil *ehem* lumubo na kasi yung tiyan ko. Hehehehehe sa totoo lang 7 months na ang dinadala ko. Kahit 7 months na ang tiyan ko sobrang laki niya. At nahihirapan narin ako maglakad dahil sa bigat ng tiyan ko pero kinaya ko naman. Tinanong niyo kung nasan si hubby? Ayon nasa work niya. Graduate na kasi kami, 2 months ago. Ang kasama ko lang dito ay ang dalawang maid at si kambal "Ito na yung liquid chocolate mo" Ngitian ko lang si kambal "Gumagabi na wala parin ang asawa mo" Sabi ni kambal "Baka natambakan" Sagot ko sa kanya Napailing nalang siya *booomm!!* "Damn! Wrong timing" Mura ni kambal Nilabas naman niya yung phone at pinindot ang emergency button. At alam ko m

