AKUMA POV~ Nandito na kami sa gym lahat ng contestant. Tama, LAHAT. Ibig sabihin, nandito rin ang contestant ng Hinati Academy. Nasa kanan ang contestant ng Hinati Academy, kami naman ay nasa kaliwa. Grabe galit na galit talaga ang taga Hinati sa amin. Makikita mo naman sa mga mata nila ang galit, ang sasama kasi ng tingin sa amin. Habang tinitigan ko ang Hinati contestant, may nahagip ng mga mata ko. Nakatitig siya sa akin, lalaki siya pero hindi ko siya kilala, hindi ko nalang siya pinansin "Hello everyone, so nandito na ang lahat mag-sisimula na tayo sa practice niyo. And by the way girls, suotin niyo na ang heels niyo" Sabi sa amin ni Mrs. Pacres ng makalapit na siya sa amin Kaya umupo na ako sa bench then sinuot ko na ang heels na dala ko. Well, six inches lang naman siya, taas no

