"Kuya Alfie, please, payagan mo na ako. Nasabi na sa akin lahat ni Ate Dianne kung gaano kahirap ang training doon. Kakayanin ko, Kuya. Isa akong Magtibay, diba?Nananalaytay sa mga ugat ko ang dugong matapang at walang inuurungan. Gusto kong maging katulad ninyong lahat, and this is the only way, para mapabilang ako sa inyo. Gusto ko ring makatulong sa pag solve sa kaso nina Lolo at Mommy. Gusto kong ako mismo ang makapag bigay ng katarungan sa sinapit nila." pagpupumilit ko kay Kuya Alfie. Nandito kaming tatlo sa loob ng Library ni Kuya, para makapag usap kami nang malaya na walang ibang nakakakita at nakakarinig sa amin. Tahimik lang si Daddy sa kanyang upuan. Parang nag iisip siya ng malalim kung tama bang payagan ako o hindi. Alam kong mahal na mahal nila akong lahat, dahil ako lan

