NAMAMANGHANG umiikot ang paningin ng anim na babae sa buong paligid ng ORBIT Intelligence Group Secret Base na matatagpuan sa 9th Floor ng kilalang first class hotel sa bansa. Ang M. S. Palace Hotel. "Good evening, girls, and welcome to ORBIT!" Napatingin silang lahat sa matangkad at guwapong lalaki na sumalubong sa kanila. Biglang natigilan ang anim, dahil sa pagkabigla nang makita nila ang guwapong mukha ng lalaki. "Look at him, guys, diba kamukha niya si Ghost Rider?" namamanghang sambit ni Maxine sa mga kasama. "Ladies, I'm Agent Satellite. I'm the legendary and genius computer programmer, designer, information analyst, and the God of all devices owned by the ORBIT Intelligence Group, not the iconic Ghost Rider you're talking about." nakangising saad ni Henry sa mga Cadets. "Aa

