KINABUKASAN... MAAGA akong bumangon para mag-exercise sa loob ng Gym ni Kuya Alfie. Nasa basement ang kanyang Gym, katabi ng mga collection niya ng mga sasakyan. Purong salamin ang pinaka wall ng Gym, kaya kitang-kita ang mga naka-parked na sasakyan dito sa basement, habang nagwo-workout. Matapos ang forty-five minutes na pag-exercise ko ay nagpasya na akong umakyat para mag-breakfast. Naabutan ko pa si Kuya Alfie na kumakain ng breakfast sa dining table, kaya agad ko siyang binati. "Good morning, Kuya!..." malambing na pagbati ko sa kanya. Agad kong pinunasan ang mukha ko, bago ako humalik sa pisngi niya. "Good morning, Bunso. Basang-basa ka, ah! Maligo ka muna at magpalit ng damit mo, bago ka mag-breakfast. Baka sipunin ka kapag natuyuan ka ng pawis sa katawan." sabi niya sa akin,

