BRIDGETTE'S POV.... Ilang araw na akong nagkukulong dito sa loob ng bahay ni Kuya Alfie. Mula noong lumipat kami dito ay natahimik din ang isip at kalooban ko. Hindi na ako nag-iisip na isang araw ay bigla na naman susugod dito si Uncle Arthuro at ang mga tauhan niya. Mahigpit din ang security ng subdivision at tanging mga homeowner lang ang may access sa main gate. Ang mga visitors ay kailangan pang magpa-register sa guard at itatawag naman ng guard sa homeowner, para i-confirm na sila ay kakilala ng mga ito bago papasukin. Umalis din si Kuya Alfie, para sa two days and two nights na outing kasama ng kanyang mga kaibigan. Ngayong gabi dapat siya babalik, pero hindi pa naman nakakauwi ang Kuya ko. Dahil sa hindi ako makatulog, kaya lumabas muna ako sa balcony para magpahangin. Hindi

