Agad kong kinuha ang aking pang umagang uniform. Black sport shorts at T-shirt ang pang umaga namin, para mas comfortable mag jogging. Naghilamos lang ako at nag toothbrush. Nagbawas din ako ng tubig sa katawan, bago ko isinuot ang aking uniform. Uminom muna ako ng tubig, bago ako lumabas ng kuwarto. Wala pang ilaw dito sa living area namin. Ako pa lang ang tao dito. Agad akong lumabas ng main door. Nakita kong nakatayo sa labas ng pinto ang bantay namin. "Good morning, Ma'am!" pagbati ko sa sundalong babae. "Good morning, Ms. Magtibay." tugon niya sa akin. "Ikaw na naman ang naunang lumabas. Ipagpatuloy mo ang magandang halimbawa, para tularan ka ng mga kasama mo, Ms. Magtibay." saad din niya. "Po? Eh, Ma'am, hindi nga po ako nagising kagabi. Hindi ako nakasali sa exercise nat

