HINDI ko alam kung matutuwa ako, o magagalit kay Kuya Alfie. Siya pala ang dahilan ng pagputøk sa gulong ng kotseng sinasakyan ni Akheezsha noon, patungo sa Training Camp. "Ayaw ko lang makalapit siya sa iyo, Bridge, kaya ko 'yon ginawa." sagot sa akin ni Kuya. "Alam mo bang muntik nang hindi makapasok si Akheezsha no'n, dahil nahuli siya ng dating?" pairap na sambit ko. "Sorry na! Mahal na mahal lang kita, Bridge, kaya ko 'yon nagawa. Akheezsha, sorry din sa 'yo, dahil nadamay ka pala sa kagustuhan kong mailayo ang kapatid ko sa pinsan mong babaero." paghingi ng paumanhin ni Kuya. "Humingi ka nga paumanhin sa kanila, pero sinisiraan mo pa rin ako!" sabi naman ni Chief. "Hindi kita sinisiraan, Cajalne! Sinasabi ko lang ang totoo." sagot naman ni Kuya. "Gano'n na rin 'yon, Magti

