PAGKATAPOS kong uminom ng tubig ay umakyat na ako sa kuwarto para maligo. Parang gusto kong magpunta sa Saloon ngayon para ipaayos ang buhok ko at mga kuko. Ang pangit na ng mga kuko ko, dahil sa mga pinagdaanan ko sa training. Magpapa-facial na rin ako para mas gumanda ang skin tone ng mukha ko. Matapos akong maligo ay nagsuot lang ako ng shorts at spaghetti strap top. Inayos ko na rin ang kama ko, para hindi na maging trabaho ng mga kasambahay. Sobrang dami na namin dito sa bahay ni Kuya Alfie, kaya kung kaya ko rin lang ang mga gawain ay tutulong ako sa mga gawaing bahay. Dinala ko na rin ang laundry basket sa baba, para malabhan ang mga damit ko. "Naku, Ma'am, bakit n'yo binaba pa 'yan! Akin na po at dadalhin ko sa likodbahay." natatarantang sambit ng kasambahay. Parang nahihiya di

