MAYA-MAYA pa'y dumating ang isang helicopter ng ORBIT. Malaki ito at kayang magsakay ng maraming tao. Bumaba si Ate Joy, at tinawag niya kaming lahat na sumakay sa loob ng helicopter. "Mauna na kayong mga babae sa loob." saad ni Kuya Santi. Inalalayan niya ako palapit sa helicopter, habang nakayuko kaming pareho. Ang lakas ng hangin na nagmumula sa elese ng helicopter, kaya niyakap ako ni Kuya, para hindi ako matangay ng malakas na hangin. Pagkasampa ko sa loob ay mabilis siyang bumalik, para tulungan ang ibang cadets. Sina Aziah at Jhona ay kasama ni Kuya Primo. Nakahawak si Kuya sa likod ng dalawa kong kaibigan, habang payuko silang lumalapit dito sa pinto. Agad ko naman inabot ang kamay ni Aziah, para madali siyang makasampa dito sa loob. Pagkatapos ay magkatulong naming hinila

