TAHIMIK na nakaupo sa loob ng Van ang mga Agents, habang patungo sila sa kanilang mission. Kinakabahan silang lahat, ngunit excited din sila, dahil pakiramdam nila ay isa na silang totoong secret agent ng ORBIT. Hanggang sa tuluyang tumigil ang Van. Hindi muna sila pinalabas, dahil kailangan pa silang kausapin ng mga agents. "Makinig kayong lahat!" saad ni Moon. Napatingin naman ang mga cadet sa babae, para malaman kung ano ang sasabihin sa kanila ni Moon. Kinakabahan pa rin sila, dahil ito ang unang mission na sasamahan nila. Kahit alam nilang hindi sila pababayaan ng mga kasamang Secret Agents ay natatakot pa rin sila, dahil hindi pa nila alam ang kanilang gagawin. "Bibigyan ko kayo ng tag-iisa kayong headphones, para makapag usap tayong lahat habang nakikipaglaban. Maliit lang i

