THE UNEXPECTED GUEST‼️

2328 Words
BRIDGETTE'S POV..... TAKOT ang lumukob sa akin, dahil sa nakita kong tao na nakatayo sa labas ng pinto. May hawak itong mga bulaklak, ngunit nakatakip naman sa kanyang mukha kaya hindi ko makita at makilala kung sino ito. "Aaaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ko, at kumaripas nang takbo pabalik sa Kuya ko. Nagtago ako sa likod ni Kuya Alfie, dahil sa takot ko sa taong nasa labas ng pintuan. Iniisip kong baka ipinadala ito ni Uncle Arthuro, para pat@yin ako. "Bakit! Anong nangyari sayo!?" tanong ni Kuya sa akin. Bakas din sa mukha nito ang pagtataka sa akin, kung ano ang nangyari sa akin sa may pinto. "M-May tao sa labas, Kuya!...." sagot ko, habang nanginginig sa takot. "May kumatok kanina, kaya malamang tao ang dumating! Hindi naman siguro kakatok 'yon, kung aso ang nasa labas." pilosopong sagot sa akin ni Kuya. Umiling din siya sa akin, dahil sa nakikita niyang ayos ko. "Umupo ka dito at uminom ng tubig. Hindi makakapasok dito sa hospital ang mga taong humahabol sa inyo. Mahigpit ang security ng hospital nan'to." sabi din niya sa akin, saka niya ako pinaupo sa dati kong kinauupuan at binigyan ng tubig. Tumayo si Kuya, para puntahan ang taong nasa labas. Kuyom din ang kanyang kamao na tumayo at mabilis na naglakad patungo sa may pinto para tingnan kung sino ang dumating. "Magandang umaga, Pare!... Kumusta na ang- Aaaa-ouch!" narinig kong sabi ng lalaki kay Kuya. Kakilala pala ni Kuya, dahil "Pare" ang tawag niya sa Kuya ko. "Walang'ya ka! Ikaw lang pala ang dumating, tinakot mo pa'ng utol ko!..." galit na sumbat ni Kuya, ngunit tapos na niyang masapak ang lalaki. "Anong ginagawa mo dito? Bakit may dala ka pang mga bulaklak? Walang lamay dito, G@go!" asik ni Kuya sa kaibigan niya. "Dadalawin ko lang ang erpat mo, P're, kaya ako narito. May dala din akong mga prutas para kay Tito." sagot ng lalaki. "Itong bulaklak ay ibibigay ko sana kay Bridge- Huuuuugk!" muling napadaing ang lalaki, kaya muli akong tumayo at nilapitan sila. Biglang nanlaki ang mga mata ko, dahil nakilala ko ang lalaking kausap ni Kuya. Si Police Chief Inspector Jonas Cajalne, pala ang dumating. Nakatayo ito sa harapan ni Kuya, habang hawak naman ni Kuya ang kuwelyo ng suot nitong Polo. "Bakit kailangan mong bigyan ng bulaklak ang utol ko? Hindi naman siya pat@y!" tanong ni Kuya. "Gusto ko lang makipagkaibaigan sa utol mo, P're. Wala akong masamang intensyon sa kanya. Malinis ang hangarin ko sa kanya." maagap na sagot nito. "Mag-sorry sa utol ko, kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso!" sabi ni Kuya sa lalaki. May kasama din itong pagbabanta. "Okay, mag-so-sorry na!" sagot naman ni Chief. Itinulak din siya ni Kuya, palapit sa akin kaya nagsalita na ako. Baka kasi kung ano pa ang gawin ng Kuya ko sa kaibigan niya. "Hayaan mo na, Kuya. Natakot lang ako kanina, dahil ang akala ko ay natagpuan na naman ako ng mga taong gustong manakit sa akin. Sunod-sunod na kasi ang mga nangyaring pagbabanta sa buhay ko, kaya siguro madali akong matakot ngayon." sabi ko kay Kuya. "Kahit na! Kailangan pa rin mag-apologize sayo ang babaerong ito!" malakas at mariin na sambit ni Kuya. "Pare, naman, baka maniwala si Bridgette sayo." pagsaway ng lalaki kay Kuya. "Mabuti na 'yong malaman niya habang maaga pa. Para alam ng utol ko kung anong klasing tao ka. H'wag kang magkakamaling isali sa collection mo ang utol ko, dahil ako mismo ang makakalaban mo! Kahit saan ka magtago, hahanapin kita at bubutasin ko ang bao ng ulo mo, hayop ka!" saad ni Kuya na may kasamang pagbabanta. Napangiti lang ako, dahil natutuwa ako sa pagka-possessive ng Kuya ko. Ang sarap pala sa pakiramdam ang mayroong kapatid na lalaki. May nagmamahal at nagpo-protekta sa akin sa mga taong may masamang pakay sa akin. "Hi, Bridgette! Pasensya kana sa akin kanina. Hindi ko sinasadyang takutin ka. Please accept these flowers as a symbol of my sincerity." malumanay na paghingi ng paumanhin ni Chief. Inabot rin niya ang bulaklak sa akin. Agad ko namang tinanggap ang bulaklak, dahil ang gaganda ng mga ito. Agad ko ring inamoy ang napakalaking kulay pulang bulaklak. "Okay lang, Chief. Pasensya na rin kayo sa akin, dahil bigla akong natakot sayo. Dapat inalam ko muna kung sino ang dumating. Nasaktan ka tuloy ni Kuya, dahil sa akin." tugon ko. Nagbaba na lang ako ng tingin, dahil hindi ako makatagal na tumingin sa mukha ni Chief. Nahihiya ako kapag nagtama ang mga paningin namin. "Chief, thank you nga pala dito sa mga bulaklak." pasalamat ko rin sa kanya. "Akin na yan, baka mangati ang balat mo sa bulaklak na ito." saad ni Kuya at mabilis na kinuha ang bulaklak sa kamay ko, saka itinapon sa basurahan. "Kuya, bakit mo tinapon?" tanong ko kay Kuya. Nanghinayang din ako sa bulaklak, dahil alam kong mahal ang mga iyon. Gusto ko pa naman sanang i-uwi sa bahay, para ilagay sa kuwarto ko. Ang ganda at ang bango-bango kasi. "P're, bakit mo naman tinapon?" tanong ni Chief, kay Kuya. Malungkot din ang kanyang mukha, dahil sa ginawa ni Kuya sa bulaklak na binili niya para ibigay sa akin. "Tapos mo nang naibigay sa utol ko, diba? Nagpasalamat rin siya sayo, kaya tapos na ang serbisyo ng bulaklak mo! Bawal sa kapatid ko ang kahit anong bulaklak. May allergy siya." sagot ni Kuya. "Bridgette! Maghugas ka ng kamay mo at magpahid ng alcohol, para hindi ka mangati. Baka tubuan ng bulotong ang katawan mo, dahil sa paghawak mo sa mga bulaklak na iyan." utos sa akin ni Kuya. "Ha!?" naguguluhang sambit ko. "Kuya naman eh!..." nagmamaktol na sambit ko. "HHHHHM!..." napatingin kaming tatlo, dahil sa narinig naming malakas na daing ni Daddy. Nakita kong nagpabaling-baling siya ng ulo, at kunot din ang kanyang noo. Mukha siyang nahihirapan. Kinabahan ako, kaya mabilis akong lumapit sa kanya para kausapin siya. "Daddy!" sambit ko, saka ako mabilis na umupo sa higaan ni Daddy. Hinawakan ko ang kamay niya, at pinisil ko ito. "Daddy, nandito lang ako sa tabi mo at nagbabantay sayo. Dad, sabihin mo sa akin kung may masakit sayo, o baka nagugutom ka? Gusto mo na bang kumain?" sunod-sunod na tanong ko. Ang bilis din ng kaba sa dibdib ko, dahil hindi ko alam kung napapa'no ang Daddy ko. "Sandali lang at tatawagin ko ang doctor, para matingnan nila si Papang." paalam ni Kuya, saka niya tinawagan sa intercom ang mga nurse at doctor na tumitingin kay Daddy. "Daddy, naririnig mo ba ako?" muli kong pagtawag kay Daddy, dahil hindi siya sumasagot sa akin. Patuloy lang siya sa pag galaw, ngunit hindi naman nagmumulat ng mga mata. Ilang minuto pa ang lumipas, bago dumating ang doctor at mga nurse, para tingnan ang kalagayan ni Daddy. Tuluyan na ring nagising si Daddy, at kinakausap na siya ng Doctor. Ang daming tanong sa kanya ng doctor. Paraan nila iyon para mapag-aralan ang condition ni Daddy. Tahimik lang kami ni Kuya, habang nakatayo kami sa paanan ni Daddy. Naka akbay din sa akin si Kuya Alfie at pilit niya akong inilalayo kay Chief. Itong si Chief naman ay tila sinasadya niyang lumapit sa akin at kung anu-ano ang inu-offer niya sa akin. Nang matapos ang doctor ay agad nitong kinausap si Kuya. Ako naman ay lumapit na kay Daddy at niyakap ko siya ng mahigpit. Natutuwa akong makita siyang maayos na ang lagay. "Daddy, akala ko kung napaano kana kagabi. Akala ko, iiwan mo na rin ako, kagaya ng pag-iwan sa akin nina Lolo at Mommy. Mahal na mahal kita, Dad. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati ikaw ay mawala din sa akin." umiiyak na sambit ko, habang nakayakap ako sa katawan ni Daddy. Niyakap din ako ni Daddy at pinapatahan. "Bridgette, anak, h'wag ka nang umiyak... Hindi mawawala si Daddy, magkakasama pa tayo ng matagal, anak. Makakasama niyo pa ako ng mga Kuya mo. Kailangan ko pang bumawi kay Kuya Alfie mo, dahil sa laki ng pagkukulang ko sa kanya. Gusto ko pang makita kayong lahat na magkakapitid na magkaroon ng sari-sarili niyong pamilya at makakalaro ang mga magiging apo namin ng Mamang niyo." saad ni Daddy sa akin. Napapangiti din siya, dahil sa mga sinasabi niyang gusto niyang maranasan sa hinaharap. "Papang, kumusta na ang pakiramdam mo?" may pag-aalalang tanong ni Kuya. Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Daddy, para makapag usap din sila ni Kuya. Tumayo ako sa tabi ni Kuya, para makalapit siya kay Daddy. "Alfie, gusto ko nang umuwi sa bahay natin, anak. Ayaw ko dito sa hospital, parang lalo akong nanghihina dito. I-uwi mo na ako, sa bahay na lang ako magpapagaling." paki usap ni Daddy kay Kuya. Ayaw talaga ni Daddy sa mga hospital, kahit noon pa. Kung may sakit siya noon ay sa bahay lang talaga siya nagpapahinga. Tumatawag ng doctor si Mommy, para matingnan siya at mabigyan ng tamang gamot para sa kanyang karamdaman. "Kakausapin ko po ang doctor, Papang, kung papayag siyang i-uwi ka namin ngayon. Kukuha na lang ako ng private nurse na mag-aalaga sayo doon." sagot ni Kuya. "Bakit kailangan pa'ng may nurse? Makita't makasama ko lang kayong pamilya ko, sapat na para gumaling ako." sabi ni Daddy. "Papang, bawal ang matigas ang ulo! Kung gusto mong makauwi sa bahay, kailangang may nurse na mag-aalaga, para may mag-alaga sayo." ma-otoridad na sagot ni Kuya. "Ikaw na'ng bahala, Anak. Basta makauwi na ako sa bahay natin ngayon din." sagot ni Daddy. "Sige, Papang. Kakausapin ko ang doctor, para payagan kang lumabas tayo ngayon. Pero, Pang, hindi na sa dati nating bahay tayo uuwi. Doon ko na kayo iuuwi sa bahay ko. Nandoon na sina Mamang, at Kuya Primo. Hindi na tayo safe sa bahay natin, dahil alam na ng mga taong naghahanap sa inyo ni Bridgette." pagbibigay alam ni Kuya, kay Daddy. "Paano na ang bahay natin, kung iiwan natin? Nasa bahay na iyon ang lahat ng mga masasayang alaala natin noong maliliit pa kayo ng mga Kuya mo." malungkot na tanong ni Daddy. "Papang, hindi naman mawawala ang bahay. Kailangan ko din ipaayos, dahil sa malaking damage nito, gawa ng mga taong lumusob sa atin. Hindi rin p'weding doon kayo tumira ni Bridgette, dahil baka balikan kayo ng mga taong may masamang hangarin sa inyo. Mas safe kayo sa bahay ko. Mahigpit ang security ng subdivision, at tanging mga home owners lang ang p'weding makapaglabas pasok sa loob." paliwanag ni Kuya. "Sige, Anak, kung yan ang makabubuti para sa kapatid mo." sagot ni Daddy. Niyakap ni Kuya Alfie si Daddy, dahil sa pagpayag nito na sumama kami sa kanya. Lumapit din ako sa kanila at nakiyakap rin ako sa kanilang dalawa. Kahit napakagulo ngayon ng buhay ko, pero nagpapasalamat pa rin ako sa dios, dahil maayos na sina Daddy at Kuya. MABILIS akong nagbihis, dahil excited na akong umuwi sa bahay ni Kuya Alfie. Inayos ko rin ang lahat ng gamit namin ni Daddy, at inilagay sa loob ng maleta. Paglabas ko ng kuwarto ay nakita kong inaayos ni Chief ang mga kalat namin ni Kuya Alfie sa lamesa. Itinapon niya sa basurahan ang mga disposable na pinaglagyan ng pagkain. Ang mga gamit ng VIP room ay hinugasan niya at inilagay sa tray na nasa tabi ng lababo. Nahihiya akong napangiti kay Chief, nang mapatingin siya sa akin. Siya pa talaga ang nagligpit ng mga kinainan namin. Pinunasan din niya lahat, hanggang sa lababo. "Bridge, nag-hiwa pala ako ng prutas. Halika, tikman mo para maubos natin lahat ito bago tayo umalis." pagyaya sa akin ni Chief. Hinila din niya ang isang upuan para paupuhin ako. "Thank you, Chief." nahihiyang pasalamat ko, saka ako umupo sa katabi niyang upuan. Inilapit niya sa harapan ko ang plato na may laman na hiniwang Apple, at pinya. Nakita ko rin kumakain si Daddy ng pinya sa kanyang higaan. Ang pinya kasi ang isa sa mga sinabi ng doctor na dapat niyang kainin araw-araw, para madali siyang gumaling. Agad kong hinawakan ang tinidor at tinusok ang isang hiwa ng pinya at sinubo. "Hmmm! Ang tamis..." sambit ko, habang nginunguya ito. Muli din akong kumuha at muling kinain. Sarap na sarap akong kumain ng pinya, hanggang hindi ko namalayan na mauubos ko na ito. Ang tamis naman kasi nito at napaka-juicy. "Sinong nagsabi sayo na p'wede mong tabihan ang utol ko!?" biglang nanlaki ang mga mata ko, dahil sa malakas na pagsigaw ni Kuya Alfie. Nakabalik na pala siya galing sa baba. Inayos niya ang hospital bill ni Daddy, para makauwi na kami. "Oh-woooh! Sandali lang, P're, h'wag ka naman masyadong marahas. Wala tayo sa mission, P're, maghunos dili ka!" gulat na tumayo si Chief at nagtago sa likuran ko, habang si Kuya Alfie naman ay madilim ang mukha at salubong ang makakapal niyang kilay at may hawak itong bar*l. "Anak, ano bang ginagawa mo kay Chief? Tinatakot mo siya masyado. Mamaya, magkaroon ng nerbyos si Chief at hindi na magpakita sa atin." tanong ni Daddy kay Kuya. "Papat@yin ko talaga ang hayop na 'to, Papang, kapag tinalo niya ang kapatid ko!" mariing sagot ni Kuya, ngunit hindi naman tumitingin kay Daddy. "Kuya! Ibaba mo ang bar*l mo, baka sa akin pumut0k 'yan!" nanginginig sa takot na pakiusap ko kay Kuya Alfie. "Kuya! Ibaba mo na 'yan bar*l mo, baka si Bridgette ang aksidenting matamaan." saad naman ni Chief Cajalne. "G@go! Hindi kita kapatid, para tawagin mo akong Kuya! Hindi ko rin pinangarap na maging kapatid ang katulad mong babaero at walang dereksyon ang buhay. Mas gugustuhin ko pang mag-ampon ng aso, kaysa sayo!" galit na galit na turan ni Kuya sa kanyang kaibigan. "Nagpapraktis lang ako, Kuya! Pangako, magbabago na ako, para magustuhan mo ako. Para tanggapin mo akong-" "BANG! BANG! BANG!" biglang kinalabit ni Kuya ang kanyang bar*l at narinig kong nabasag ang mga baso sa may lababo. Mabilis namang tumakbo si Chief at tinalon pa niya ang malaking sofa, para maka daan siya at makarating sa pinto. Nagpagulong din ito patungo sa pinto, para hindi siya matamaan ng bar*l ni Kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD