BRIDGETTE'S POV.... Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin ng mga kasama ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko rin maunawaan ang sarili ko kung ano ang sumapi sa akin, kaya ko nagawang pang lasl@s!n ang leeg ng mga lalaki, habang sila'y lulong sa kamunduhan. Pero iisa ang malinaw sa akin. Para kong nakita si Uncle Arthuro, kaya biglang nagdilim ang paningin ko, at nagawa ko iyon. Agad akong hinila ni Chief Jonas, palayo sa mga lalaking pinang lasl@s ko ang mga lalamunan. Pero dumating naman sina Commander, Honey, at Akheezsha. Ang bilis kumilos ni Honey at tila isang iglap lang ay naputol na niya ang kaligayahan ng mga lalaking namimilipit sa sakit, habang hawak ang lasl@s at dug*an nilang leeg. Kitang-kita ko rin ang pagkataranta kay Commander. Pero mas pinili niyang hindi um

